• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Baguilat, humingi ng dispensa kay Cong. Sandro dahil sa kinomentuhang fake news

Richard de Leon by Richard de Leon
November 28, 2022
in Balita, National, National / Metro
0
Baguilat, humingi ng dispensa kay Cong. Sandro dahil sa kinomentuhang fake news

Teddy Baguilat, Jr. at Cong. Sandro Marcos (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Humingi ng paumanhin kay Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos ang dating gobernador ng Ifugao at kandidato sa pagkasenador na si Atty. Teddy Baguilat, Jr. tungkol sa ginawa niyang pagkomento sa umano’y kumalat na pubmat ng panayam sa kongresista tungkol sa paggamit ng puting sibuyas kung hindi available, o namamahalan sa presyo ng pulang sibuyas.

Kapani-paniwala ang kredibilidad ng naturang mga pahayag dahil may logo pa ito ng SMNI Network ni Pastor Apollo Quiboloy.

Screengrab mula sa IG ni Cong. Sandro Marcos

Ibinahagi naman ito ni Baguilat sa kaniyang Twitter at kinomentuhan.

“In short, ang gusto nila sabihin, magtiis kayo. Pag ganyan ang problem-solving skills ng leaders natin, kawawa tayo. Sana solusyonan kung bakit nahihirapan ang farmers kaya nagmahal ang sibuyas,” aniya.

Ini-screengrab naman ni Sandro ang tweet ni Baguilat, kinomentuhan, at ibinahagi sa kaniyang Instagram story.

“More fake news, never said this or gave any interview.”

“Try harder guys,” aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/cong-sandro-sinilat-kinomentuhang-fake-news-ni-baguilat/

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Baguilat at kaagad na humingi ng dispensa sa pamamagitan din ng tweet.

“Sorry I have to be more cautious sa fake news. I think the quote attributed to Cong Sandro that I commented is not true. I apologize. My bad. For us who fight misinformation should take the lead in verifying info we shared. I haven’t. Sorry po,” aniya.

Sorry I have to be more cautious sa fake news. I think the quote attributed to Cong Sandro that I commented is not true. I apologize. My bad. For us who fight misinformation should take the lead in verifying info we shared. I haven’t. Sorry po.

— Teddy B. Baguilat (@TeddyBaguilatJr) November 26, 2022

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Iyan ang sinasabing i-verify muna ang news o post sa social media bago kumuda para hindi po tayo napapahiya. Nakakahiya!”

“Galit kayo kay Sir Teddy for mistakenly sharing a disinfo but look at him, he’s taking accountability for his mistakes. Pero kayong mga apolo10 ni minsan ba naging accountable? Hindi,dahil kahit alam niyong fake news basta about kay Leni, pinapanindigan niyo. Double standard sht!”

“Disinformation at its finest!”

“Lutang moments hahaha.”

“Pero grabe naman kasi yung gumawa ng pubmat, kapani-paniwala. May logo pa ng SMNI. Sana mahuli kung sino man ang nasa likod nito.

“Thank you Sir Baguilat for admitting your mistakes. At least nag-sorry at inaming nagkamali siya. Eh yung iba diyan? Nagkamali na nga, nahuli na nga, sige pa rin ang palusot.”

Tags: Cong. Sandro MarcosTeddy Baguilat Jr.
Previous Post

AJ Raval, palihim na nanganak na raw, ispluk ng source ni Ogie Diaz

Next Post

Sa kabila ng intrigang nanganak na raw: AJ, nagpasilip ng malaking Christmas tree, Santa Claus

Next Post
Sa kabila ng intrigang nanganak na raw: AJ, nagpasilip ng malaking Christmas tree, Santa Claus

Sa kabila ng intrigang nanganak na raw: AJ, nagpasilip ng malaking Christmas tree, Santa Claus

Broom Broom Balita

  • Comelec, muling hinikayat ang publiko na magparehistro bago ang nalalapit na deadline
  • 3 kelot, timbog sa isinagawang shabu buy-bust sa Taguig
  • Tito Boy, inaming may plano nang iwan ang ABS-CBN bago pa nawalan ng prangkisa ang network
  • Vavavoom! ‘Fit check’ ni Celeste Cortesi, sumabog; kapwa beauty queens, nalula sa katawan ng Pinay rep
  • Rayver Cruz, ‘cute concert buddy’ ni Julie Anne San Jose sa anniversary show ni Christian Bautista
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.