• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

AJ Raval, palihim na nanganak na raw, ispluk ng source ni Ogie Diaz

Richard de Leon by Richard de Leon
November 28, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
AJ Raval, palihim na nanganak na raw, ispluk ng source ni Ogie Diaz

AJ Raval at Aljur Abrenica (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

“Confirmed na raw… si AJ Raval… ay nanganak na!”

Iyan ang bungad ng award-winning showbiz insider na si Ogie Diaz sa kaniyang latest showbiz vlog, kung saan ito ang isa sa mga naging paksa nila, matapos ipagmalaki ng host na nanalo siya at ang “Ogie Diaz Showbiz Update” ng limang parangal mula sa iba’t ibang award-giving body sa Amerika.

“Ha? Di ba hindi raw siya buntis?” gulilat na tanong ng co-host na si Mama Loi.

“Iyan nga… naloloka nga ako diyan,” sundot naman ni Ogie.

Sinitas ni Ogie ang unang tsikang kompirmadong nagdadalantao ang Viva actress ayon sa ulat ng impormante ni Cristy Fermin sa kaniyang “Showbiz Now Na”. Mismong si Aljur daw mismo ang source, subalit ito ay mariing pinabulaanan ni AJ rin mismo.

Sa katunayan daw ay nagpakita pa ng iba’t ibang litrato sa social media si AJ kung saan makikitang nakasuot siya ng bikini at flat naman ang kaniyang tiyan. May ilang appearances din siya sa press con na wala namang umbok o baby bump. Itinanggi rin umano ito ng ama ni AJ na si action star Jeric Raval.

Kaya naman, nagugulumihanan na raw si Ogie sa kung ano na nga ba ang katotohanan tungkol sa isyung ito.

Ayon umano sa source ni Ogie, nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig City si AJ. Paglalarawan pa, nang isugod daw sa naturang ospital ang aktres ay nakatakip ang mukha nito.

Si Aljur naman daw ay nasa labas ng ospital bandang madaling-araw ng Nobyembre 19 at nag-aabang sa loob ng kaniyang sasakyan.

Matapos daw makapanganak ni AJ ay kaagad na itong inilabas ng ospital. Ang ginamit pa nga raw na apelyido ni AJ sa ospital ay “Alvarez”, na apelyido sa pagkadalaga ng kaniyang ina.

Na-identify raw na si AJ ang babaeng ipinasok sa emergency room na nakatakip ang mukha dahil sa tattoo sa kaniyang dibdib. Mabuti na lamang din umano at hindi nakita ang tattoo nito sa wetpaks.

Sa tanong naman na bakit walang nakitang baby bump noon sa kaniya, baka naman daw maliit lamang magbuntis si AJ. baka raw kailangan lamang itago ang mga bagay na ito lalo’t baka makaapekto sa annulment nina Aljur at estranged wife na si Kylie Padilla.

“I’m sure lalabas din one day si AJ para klaruhin ang lahat ng ito,” ani Ogie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni AJ o ni Aljur tungkol dito.

Tags: AJ Ravalaljur abrenica
Previous Post

Cong. Sandro, sinilat kinomentuhang ‘fake news’ ni Baguilat

Next Post

Baguilat, humingi ng dispensa kay Cong. Sandro dahil sa kinomentuhang fake news

Next Post
Baguilat, humingi ng dispensa kay Cong. Sandro dahil sa kinomentuhang fake news

Baguilat, humingi ng dispensa kay Cong. Sandro dahil sa kinomentuhang fake news

Broom Broom Balita

  • PhilHealth premium hike, pinasususpindi ng 5 kongresista
  • Comelec, muling hinikayat ang publiko na magparehistro bago ang nalalapit na deadline
  • 3 kelot, timbog sa isinagawang shabu buy-bust sa Taguig
  • Tito Boy, inaming may plano nang iwan ang ABS-CBN bago pa nawalan ng prangkisa ang network
  • Vavavoom! ‘Fit check’ ni Celeste Cortesi, sumabog; kapwa beauty queens, nalula sa katawan ng Pinay rep
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.