• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA

MJ Salcedo by MJ Salcedo
September 26, 2023
in Balita, National / Metro
0

Courtesy: Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.; VP Sara Duterte/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bumaba ang trust at approval rating nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte sa ikalawang quarter ng taon, ayon sa Tugon ng Masa survey ng OCTA na inilabas nitong Martes, Setyembre 26.

Second Quarter 2023 Tugon ng Masa Survey / OCTA Research/ via MB

Sa naturang survey ng OCTA, makikita ang pagbaba ng trust rating ni Marcos, kung saan mula sa 83% noong Marso 2023 ay naging 75% ito noong Hulyo 2023.

Gayunpaman, base sa pinakahuling datos ng OCTA, 8% lamang umano ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila nagtitiwala sa Pangulo, habang 17% ang nananatiling “undecided.”

Maging sa trust rating ni Duterte ay nagkaroon din umano ng pagbaba, mula sa 87% noong first quarter ay naging 83% ito noong second quarter ng taon.

Samantala, 2% lamang sa mga respondent ang hindi nagtitiwala sa bise presidente habang 14% ang “undecided,” ayon din sa pinakabagong survey ng OCTA.

Pagdating naman sa approval rating, ayon sa OCTA, 71% ng mga Pilipino ang nasisiyahan sa performance ni Marcos, ngunit mas mababa pa rin ito kung ikukumpara sa 80% na naitala noong Marso 2023.

Samantala, 10% lamang umano ang “dissatisfied” sa performance ng Pangulo, base sa pinakabagong survey ng OCTA, habang 19% ang “undecided.”

Bahagya ring bumaba ang approval rating ni Duterte, mula sa 84% noong Marso 2023 ay naging 82% umano nitong Hulyo 2023.

Gayunpaman, lumabas din umano sa pinakabagong survey na 4% lamang ang nagsabing hindi sila nasisiyahan sa performance ng bise presidente, habang 14% ang nananatiling “undecided.”

Isinagawa umano ang Second Quarter 2023 Tugon ng Masa survey ng OCTA mula Hulyo 22 hanggang 26, 2023 sa pamamagitan ng pakikipanayam sa 1,200 mga Pilipino sa bansa na may edad 18 pataas.

Previous Post

PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians

Next Post

Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

Next Post
Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

Broom Broom Balita

  • Pasok sa eskuwelahan sa Davao City, sinuspindi dahil sa lindol
  • Marawi bombing, kinondena rin ng CBCP
  • Kamara, nangako ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Surigao del Sur
  • Lotto jackpot, pataas nang pataas: ₱215.7M, ‘di tinamaan — PCSO
  • Ginebra, panalo vs Dyip sa unang laro ni Tenorio mula nang magka-cancer
Pasok sa eskuwelahan sa Davao City, sinuspindi dahil sa lindol

Pasok sa eskuwelahan sa Davao City, sinuspindi dahil sa lindol

December 4, 2023
Marawi bombing, kinondena rin ng CBCP

Marawi bombing, kinondena rin ng CBCP

December 4, 2023
Kamara, nangako ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Surigao del Sur

Kamara, nangako ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Surigao del Sur

December 4, 2023
₱29.7M jackpot sa lotto, walang nanalo — PCSO

Lotto jackpot, pataas nang pataas: ₱215.7M, ‘di tinamaan — PCSO

December 4, 2023
Ginebra, panalo vs Dyip sa unang laro ni Tenorio mula nang magka-cancer

Ginebra, panalo vs Dyip sa unang laro ni Tenorio mula nang magka-cancer

December 3, 2023
Heightened alert, ipinatutupad na ng PCG dahil sa pambobomba sa Marawi

Heightened alert, ipinatutupad na ng PCG dahil sa pambobomba sa Marawi

December 3, 2023
John Arcilla may mensahe sa KathNiel fans

John Arcilla may mensahe sa KathNiel fans

December 3, 2023
Rendon, bet gawing punching bag si Daniel

Rendon, bet gawing punching bag si Daniel

December 3, 2023
Skusta Clee nakaladkad sa hiwalayang KathNiel

Skusta Clee nakaladkad sa hiwalayang KathNiel

December 3, 2023
Higit 135 Chinese maritime militia vessels, namataan sa Julian Felipe Reef

Higit 135 Chinese maritime militia vessels, namataan sa Julian Felipe Reef

December 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.