• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Estudyante sa Cavite, pinagamot, kinupkop ang stray cat na may kumplikasyon sa mata

MJ Salcedo by MJ Salcedo
May 5, 2023
in Balita, Features
0
Estudyante sa Cavite, pinagamot, kinupkop ang stray cat na may kumplikasyon sa mata

Photo courtesy: Jhed Diokno

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

“Nag-promise ako sa kaniya na ako ‘yung magiging mata niya for the rest of her life.”

Walang pag-aalinlangang pinagamot at kinupkop ng second-year Psychology student na si Jhed Diokno, 29, mula sa Kawit, Cavite, ang pusang may kumplikasyon sa mata na nakasalubong daw niya sa kalsada.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Diokno na kagagaling niya sa eskwelahan sa Imus, Cavite, nang makita niya sa kalsada ang pusang pinangalanan niyang “Kazuha”, na noong panahong iyon daw ay nasa malubhang kalagayan.

“Kinabahan po [ako], kasi syempre kitang kita ko ‘yung mata niya na halos lumuwa na. Then sobrang dami niyang blood, ‘yung trousers ko na white nagka-blood na rin since na bangga nya nga ako,” kuwento ni Diokno.

“Natulala ako ng more than 3 minutes sa sobrang shookt then binuhat ko siya agad, binitawan ko ‘yung kinakain kong kwek kwek.”

Doon ay naghanap na raw siya ng pinakamalapit na veterinarian para ipagamot si Kazuha. Dahil sa nanghihina ang pusa nang mga panahong iyon at may tusok pa ng stick sa isa niyang mata, akala raw niya ay hindi na ito makaka-survive.

“Pinupuntahan ko siya araw-araw after school then kinakausap ko siya na lakasan niya lang loob nya,” ani Diokno.

Nagpapasalamat naman si Diokno dahil naging maayos umano ang lagay niya sa loob ng isang linggong pamamalagi sa vet.

“Sadly she wasn’t able to open her eyes again po, as in closed na siya. But so far, she’s healthy and playful,” ani Diokno.

“Nag-promise ako sa kaniya na ako ‘yung magiging mata niya for the rest of her life.”

Maraming netizens naman ang naantig sa post ni Diokno sa Facebook group na ‘CATS & KITTENS Philippines’ tungkol sa nasabing pagkupkop niya kay Kazuha.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 2,300 reactions, 300 comments, at 44 shares ang naturang post ni Diokno.

–

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

Tags: cats
Previous Post

Revilla: ‘Bigyan natin ng rason ang ating mga health care workers para manatili sa bansa’

Next Post

Lotto winner mula sa Cebu, kumubra ng ₱16M premyo sa PCSO

Next Post
Lotto winner mula sa Cebu, kumubra ng ₱16M premyo sa PCSO

Lotto winner mula sa Cebu, kumubra ng ₱16M premyo sa PCSO

Broom Broom Balita

  • Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda
  • Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando
  • 2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga
  • ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

September 22, 2023
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

September 22, 2023
Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

September 22, 2023
Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

September 22, 2023
BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.