Maraming netizens ang humanga at naantig sa post ni ‘Pedro’ mula sa Puerto Princesa City, Palawan, tampok ang isang senior citizen na matiyagang naglalako ng purong katas ng tubo.
“Habang binabaybay ko ang kalsada ng Brgy. Tagburos, napalingon ako kay tatay at napahinto at nabigla ako sa kaniyang tinitinda dahil first time kong nakakita na nagtitinda ng ganito sa Puerto Princesa,” kuwento ni Pedro sa kaniyang post.
Purong katas ng tubo umano ang nilalako ni tatay at ginagawa raw niya ito nang mano-mano gamit ang “isang kahoy na pampihit”.
Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Pedro na agad niyang napansin si attay at bumili ng kaniyang tintitinda dahil sa paghangang naramdaman niya sa sipag at tiyagang pinamamalas nito.
“Humanga po [ako] kasi sa kabila ng kaniyang edad ay patuloy siyang tumutulong sa pangangailangan ng kaniyang pamilya,” ani Pedro.
Ang nasabing purong tubo juice na inilalako ni Tatay ay nagkakahalaga raw ng P20.
“Sa halagang 20 pesos sulit na sulit na,” ani Pedro. “Good job, Tay!”
Nagpahayag din ng kanilang sentimyento ang netizens sa naturang post.
“Ang galing ni Tatay, wala sigurong ibang maaasahan sa paghahanapbuhay. God bless po!” anang isang netizen.
“Dapat kasi nagpapahinga na lang to sa bahay delikado na to sa mainit God bless tay,” nag-aaalang wika naman ng isa.
“Ang lakas ni lolo para mapiga nia yan ng mano mano. ”
“We are so proud of you Lolo enting.”
–
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!