• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Direk Bobet, bakit ‘hindi kilala’ sina Direk Lauren at ex-wife na si Cory Vidanes? May hidwaan ba?

Richard de Leon by Richard de Leon
October 14, 2021
in Balita Archive, Showbiz atbp.
0
Direk Bobet, bakit ‘hindi kilala’ sina Direk Lauren at ex-wife na si Cory Vidanes? May hidwaan ba?

Direk Bobet Vidanes, Direk Laurenti Dyogi, at Ms. Cory Vidanes (Larawan mula sa Manila Bulletin/Balita Online)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang pag-amin ni Direk Bobet Vidanes kung bakit siya nagbitiw sa tungkulin bilang direktor ng ‘It’s Showtime’ at ABS-CBN, at agad na tumalon sa karibal at kabubuong noontime show sa TV5 na ‘Laugh Out Loud’ o LOL.

Aniya, kinonsidera niya umano ang kaniyang kalusugan dahil masyado nang ‘toxic’ ang environment sa mismong programang siya ang nagsimula at bumuo. Marami umanong ‘naglilider-lideran’ sa naturang show; may mga desisyon umano na hindi ipinapaalam sa kaniya, at nagugulat na lamang siya. Pakiramdam niya umano ay naba-bypass siya bilang direktor.

“Isa pa po sa main reason kung bakit ako naghanap ng ibang buhay, ito po totoo ito, pinili ko po yung health, yung kalusugan. Kasi po, yung pagtatrabaho ko sa kabila, hindi na po healthy. Mamamatay po ako nang maaga,” aniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/12/direk-bobet-sa-paglayas-sa-its-showtime-mamamatay-ako-nang-maaga/

Sa eksklusibong panayam sa kaniya ng Philippine Entertainment Portal o PEP, tila makahulugan ang tugon ni Direk Bobet kung nagpaalam ba siya nang maayos sa Chief Operating Officer of Broadcast ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes, na kaniyang asawa subalit hiwalay na sila ngayon.

Batay sa kaniyang tugon, mukhang hindi sila nakapag-usap nang personal, bagama’t nagbigay naman umano siya ng resignation letter. Ang immediate head umano niya na si Lui Andrada ang tumanggap nito.

“Ahh, hindi po. Hindi po ako… hindi po ako nakakarating, eh. Sarado po yung pinto. May proper channeling. May boss naman ako, eh. Si Lui Andrada,” aniya. Si Lui Andrada ang TV production head ng entertainment shows for non-scripted format ng Kapamilya Network.

Ang sumunod niyang tugon ang talagang palaisipan.

“After kay Lui, kay… Lauren yata yung pangalan no’n. Tapos, kay Cory. So, ganoon po iyon. Kasi hindi nila ako kinakausap, eh. Hindi ko sila ganoon kakilala.”

Ang tinutukoy ni Direk Bobet na ‘Lauren’ ay walang iba kundi si Direk Laurenti Dyogi, ang ABS-CBN entertainment production head nangangasiwa ngayon sa talent-management arm ng ABS-CBN na Star Magic, matapos layasan ito ng Chairman Emeritus na si Johnny ‘Mr. M’ Manahan, kasama si Mariole Alberto, na parehong nasa GMA Artist Center na ngayon bilang consultants.

Batay sa mga netizens, imposibleng hindi sila magkakakilala dahil sila-sila rin naman ang nagkakahalubilo sa ABS-CBN,at batay sa pagbanggit niya ng pangalan ni Direk Lauren, tila may isyu at tensyon sa pagitan nilang dalawa, na sila-sila rin lamang ang nakakaalam. Hindi na ito idinetalye ni Direk Bobet.

“Pero ano ‘yun, talagang ano lang… talagang… Meron naman silang sariling diskarte, nire-respect ko ‘yon. Pero I believe, hindi na tama ‘yun. So… hindi nila ako kailangan doon,” pahayag pa ni Direk Bobet sa kaniyang matinding dahilan kung bakit siya lumayas sa Kapamilya Network.

Matatandaang ganito rin ang rason ni Mr. M kung bakit niya piniling magbitiw sa kaniyang tungkulin bilang head ng Star Magic; na pakiramdam daw niya ay hindi na iginagalang ang kaniyang mga desisyon, hindi siya pinakikinggan ng management, at may mga ‘shadow talent-management arm’ sa loob mismo ng kompanya, maliban sa Star Magic.

Samantala, wala pa namang tugon si Direk Lauren o maging si Ms. Vidanes sa isyung nabanggit ni Direk Bobet batay sa panayam na ito.

Tags: abs cbnCory VidanesDirek Bobet VidanesDirek Laurenti DyogiIt's ShowtimeLaugh Out Loudtv5
Previous Post

Duque, suportado ang COVID-19 vaccine booster shots para sa mga healthcare workers

Next Post

Heart Evangelista, sasagutin ang wedding dress at shoes ng isang follower?

Next Post
Heart Evangelista, sasagutin ang wedding dress at shoes ng isang follower?

Heart Evangelista, sasagutin ang wedding dress at shoes ng isang follower?

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.