SAN JOSE CITY – Tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang retiradong guro na pinagbabaril ng riding-in-tandem sa isang subdivision sa Barangay Calaocan sa lungsod na ito, nitong Linggo ng umaga.
Sa ulat ni Police Supt. Marco A. Dadez, city police chief, kay Police Senior Supt. Eliseo T. Tanding, Nueva Ecija Police director, kinilala ang biktima na si Susan de Leon y Tablado, 65, ng Milcar Subdivision, Bgy. Calaocan, San Jose City.
Sa pagsisiyasat, magkasama ang biktima at ang kapatid nito sa kanilang veranda nang sumulpot ang mga suspek at isa sa mga ito ang nagpaulan ng bala saka tumakas.
Sa follow-up operation, naaresto ang isa mga suspek na si Melvin Casdita, 46, ng Zone 4, Bgy. Sto. Tomas.
Light A. Nolasco