• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

NBA: Raptors, tuloy ang ‘winning streak’; Warriors, olats sa Kings

Balita Online by Balita Online
March 17, 2018
in Basketball
0
NBA: Raptors, tuloy ang ‘winning streak’; Warriors, olats sa Kings
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

OAKLAND, California (AP) — Naisalpak ni Buddy Hield ang tatlong free throw sa huling 27.5 segundo para sandigan ang Sacramento Kings laban sa kulang sa players na Golden State Warriors, 98-93; nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Tumapos si Hield na may 22 puntos mula sa bench, bukod sa pitong assists at pitong rebounds.

Nanguna sa Warriors si Quinn Cook sa nakubrang career-high 25 puntos mula sa 10-for-13 shooting. Sumabak ang Golden State ma wala sina Stephen Curry, Kyle Thompson at Kevin Durant bunsod ng iba’t ibang injury.

Nag-ambag si Draymond Green, nagbalik laro mula sa one-game injury absence na may 14 puntos, 10 rebounds, seven assists, apat na steals at dalawang blocked shots. Nadagdag sa injury list si Omri Casspi na na-sparined matapos maapakan ang paa ng kasanggang si David West.

“No concern. I’ve got a couple weeks and I’m just trying to get healthy, and I’m just trying to make sure I’m out there being able to be me on the court,” pahayag ni Durant.

RAPTORS 122, MAVS 115
Sa Toronto, naisalpak ni DeMar DeRozan ang game-winning basket sa overtime laban sa Dallas Mavericks at hilahin ang winning run sa 11 laro.

Kumubra si DeRozan ng 29 puntos, habang kumana si Jonas Valanciunas ng 21 puntos at 12 rebounds para sa nangungunang koponan sa Eastern Conference.

Umiskor sina Delon Wright at Fred VanVleet na may tig-14 puntos para sa Toronto, naitala ang NBA-best 29-5 at home.

Nanguna sa Dallas sina Harrison Barnes na may 27 puntos at tumipa sina Dennis Smith Jr. at J.J. Barea ng 19 at 18 puntos.

HEAT 92, LAKERS 91
Sa Los Angeles, kumana si Goran Dragic ng 30 puntos, tampok ang go-ahead jumper sa krusyal na sandal.

Kumana si Kelly Olynyk ng 17 puntos para sa Miami

Nanguna sa Lakers si Julius Randle na may 25 puntos at 12 rebounds, kasunod sina Brook Lopez at Kuzma na may tig-11 puntos,

Bagsak ang Lakers sa 31-38 marka.

Tags: Brook Lopezdallas mavericksEastern Conferencegolden state warriorsGoran DragićKelly OlynykKyle ThompsonQuinn Cook
Previous Post

2 Abu Sayyaf tepok, 1 sumuko

Next Post

WINALIS!

Next Post
WINALIS!

WINALIS!

Broom Broom Balita

  • Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds
  • ₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022
  • It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?
  • Melai, balak iparehab ang dalawang anak
  • Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’
Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

September 26, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

September 26, 2023
It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

September 26, 2023
Melai, balak iparehab ang dalawang anak

Melai, balak iparehab ang dalawang anak

September 26, 2023
Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’

Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’

September 26, 2023
‘My heart is shattered!’ Gab Valenciano, nagluksa sa pagpanaw ng kaniyang aso

‘My heart is shattered!’ Gab Valenciano, nagluksa sa pagpanaw ng kaniyang aso

September 26, 2023
Lacuna sa kaniyang unang SOCA: ‘Dito sa Maynila, walang iniiwan’

Lacuna: 150 Manilenyo, may sariling lupa na!

September 26, 2023
Cavitex, may taas-singil sa toll fee sa Agosto 21

4th batch ng toll plazas, lalahok na sa dry run ng contactless toll collection

September 26, 2023
Maymay Entrata, thankful sa ‘ASAP Natin ‘To in Milan’

Maymay Entrata, thankful sa ‘ASAP Natin ‘To in Milan’

September 26, 2023
Floating barrier ng China sa Bajo De Masinloc, pinutol ng PCG

Floating barrier ng China sa Bajo De Masinloc, pinutol ng PCG

September 26, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.