Kristine Hermosa, sa GMA-7 na mapapanood

Filed under Features, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Kristine copy copy

MAY mga nadismayang fans si Kristine Hermosa nang malamang sa GMA-7 na mapapanood ang aktres.

Kasama ang aktres sa cast ng bagong sitcom na eere sa Kapuso Network simula sa June 19 kapalit ng Vampire ang Daddy Ko.

Ini-expect kasi ng fans ni Kristine na sa ABS-CBN pa rin siya mapapanood dahil may mga nabalitaan silang gagawa ito ng teleserye. Kaya nagulat na lang sila nang malamang sa GMA-7 na mapapanood si Kristine.

In fairness, hindi solo ng GMA-7 ang pagpoprodyus ng Hay, Bahay! Dahil co-produced ito ng M-Zet Films na pagmamay-ari ni Vic Sotto. ‘Yun nga lang, sa Kapuso Network pa rin eere ang sitcom na ang alam naming title ay Calle Siete.

Malaking factor na ang father-in-law na si Vic Sotto ang producer ng sitcom at makakasama ni Kristine ang asawang si Oyo Sotto.

Tama ba kaming first TV show ito nina Oyo at Kristine together? Sa pelikula pa lang sila nagkasama, sa Enteng Kabisote na anak pa yata ni Kristine bilang si Faye ang role ni Oyo.

Kasama rin sa Hay, Bahay! sina Ai-Ai delas Alas, Wally Bayola at Jose Manalo. Parang nalungkot kami na hindi kasama sa cast si Ryzza Mae Dizon. (Nitz Miralles)