• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Aquino, kontra sa hero’s burial kay Marcos, pardon kay GMA

Balita Online by Balita Online
June 4, 2016
in Balita
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa kabila ng pangako na bibigyan si President-elect Rodrigo Duterte ng isang taong honeymoon period, sinabi ni Pangulong Aquino na hindi siya pabor sa mga plano ng kanyang successor na hero’s burial para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at pagkakaloob ng pardon sa nakadetineng si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ikinatwiran ng Pangulo na si Marcos ay hindi karapat-dapat na mailibing sa Libingan ng mga Bayani, habang dapat na harapin ni Arroyo ang mga nakabimbin na kasong katiwalian sa korte.

“Kaisang-isang libingan na distinctive na talagang parang honor na ipinagkakaloob sa mga taong talagang may ginawa para sa lipunan,” sabi ni Aquino sa isang panayam sa telebisyon noong Miyerkules kaugnay ng panukalang hero’s burial para kay Marcos.

Sa paniniwala naman ni Duterte na dapat nang palayain si Arroyo dahil sa mahinang kaso laban dito, sinabi ng Pangulo na patuloy siyang naninindigan sa mga kasong inihain ng Department of Justice laban sa dating lider. “We believe the evidence is strong,” dagdag ni Aquino.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi siya magsasalita kaugnay ng papalit sa kanya bilang bahagi ng kanyang self-imposed rule na bigyan ng isang taong honeymoon period si Duterte.

“I promised that I will not comment on my successor, incoming assumption of office at least for a year. I would want to grant him that which was not granted to me,” sabi ni Aquino sa panayam ng Manila Bulletin noong Lunes.

Pinili ng Pangulo na bigyan ang kanyang kapalit ng pagkakataon na patunayan ang sarili nito matapos dibdibang mangampanya laban kay Duterte dahil sa umano’y dictatorial tendency ng huli. Ilang araw bago ang halalan noong Mayo, nagbabala si Aquino na lalabanan niya ang anumang pagbabalik sa diktadurya kahit magiging kapalit nito ang kanyang buhay.

Tags: Aquino
Previous Post

Kristine Hermosa, sa GMA-7 na mapapanood

Next Post

PAG-IBAYUHIN PA ANG ATING PROGRAMA SA MODERNISASYON NG PAMBANSANG DEPENSA

Next Post

PAG-IBAYUHIN PA ANG ATING PROGRAMA SA MODERNISASYON NG PAMBANSANG DEPENSA

Broom Broom Balita

  • Pa-shade ni KaladKaren matapos magbalita: ‘Hindi po ito AI!’
  • Habagat, makaaapekto sa kanluran ng Southern Luzon, Visayas
  • Tito Boy, late sa kaniyang afternoon show; Guest na si Rocco, sinalo ang opening spiel
  • Kathryn nahirapang makatrabaho si Dolly
  • Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa magnitude 6.6 na lindol sa Davao Occidental’
Pa-shade ni KaladKaren matapos magbalita: ‘Hindi po ito AI!’

Pa-shade ni KaladKaren matapos magbalita: ‘Hindi po ito AI!’

September 26, 2023
Habagat, makaaapekto sa kanluran ng Southern Luzon, Visayas

Habagat, makaaapekto sa kanluran ng Southern Luzon, Visayas

September 26, 2023
Tito Boy, late sa kaniyang afternoon show; Guest na si Rocco, sinalo ang opening spiel

Tito Boy, late sa kaniyang afternoon show; Guest na si Rocco, sinalo ang opening spiel

September 26, 2023
Kathryn nahirapang makatrabaho si Dolly

Kathryn nahirapang makatrabaho si Dolly

September 26, 2023
Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa magnitude 6.6 na lindol sa Davao Occidental’

Phivolcs: ‘Walang tsunami threat mula sa magnitude 6.6 na lindol sa Davao Occidental’

September 26, 2023
Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 6.6 na lindol

September 26, 2023
Kim hindi imbitado sa kasal ni Maja: ‘Di naman kami sobrang close na!’

Kim hindi imbitado sa kasal ni Maja: ‘Di naman kami sobrang close na!’

September 26, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong sanitary engineers, kasado na

September 25, 2023
Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary

Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary

September 26, 2023
Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’

Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’

September 25, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.