Romualdez, iginiit na handa na Kamara na makatrabaho ang mga papalit na gabinete ni PBBM
Nagpahayag ng pagsuporta si House Speaker Martin Romualdez sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa courtesy resignation ng lahat ng miyembro ng kaniyang gabinete.Sa opisyal na pahayag na inilabas ni Romualdez nitong Biyernes, Mayo 23, 2025, iginiit niyang handa na raw ang House of Representatives na makatrabaho ang mga bagong miyembro ng gabineteng inaasahang...