Pambato ng Eastern Visayas, inangkin unang ginto sa Palarong Pambansa
Binalikan ng 13-anyos na pambato ng Eastern Visayas ang naunsyami niyang gold title noong 2024 matapos niyang sungkitin ang unang gold medal sa Palarong Pambansa 2025 nitong Lunes, Mayo 26, 2025.Si Chrisia Mae Tajarros ang kauna-unahang atletang nag-uwi ng gintong medalya sa pag-arangkada ng Palarong Pambansa ngayong taon matapos niyang pakainin ng alikabok ang kaniyang mga katunggali sa 3000m...