• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Kilalanin: Ang demonyo sa likod ng mga typographical error

Ralph Mendoza by Ralph Mendoza
November 14, 2023
in Balita, Features
0
Kilalanin: Ang demonyo sa likod ng mga typographical error

Photo Courtesy: via Lost Art Press (Website)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa ka bang manunulat? O tagapagtala ng mga dokumento? O estudyanteng gumagawa ng thesis sa madaling-araw? Naranasan mo na bang mainis dahil sa sangkatutak na typographical error sa mga isinusulat mo?

Iyong tipong kahit ilang beses mo nang pinasadahan ng basa ang teksto ay may nakakalusot pa ring maling baybay o bantas?

Kung oo, kumalma lang. Humingang-malalim. ‘Wag masyadong sisihin ang sarili. Wala kang kasalanan. May demonyo raw kasing salarin sa likod ng mga kapalpakang ‘yan.

Si Titivillus.

Ayon sa mga tala, isa umanong demonyo si Titivillus na unang lumitaw noong 1285 sa mga pahina ng “Tractatus de Penitentia” ni Johannes Galensis. Tinagurian siya bilang “patron demon of scribes”.

Si Titivillus daw ang responsable sa mga maling naisusulat natin sa mga artikulo, mensahe, at manuskrito–mapa-digital man o print.

Ibig sabihin, siya ang dahilan kung bakit minsan, ang salitang “Tito” ay biglang nagiging ari ng lalaki. O kung bakit sa halip na “mahal kong asawa” ang nakasulat na heading sa liham na para sa kabiyak ay nagiging “mahal kong aswang”. O kaya naman, ang call sign na dapat ay “Baby”, nagiging “Babe”.

Dahil dito, marami tuloy relasyong nawawasak; maraming taong napapahamak.

At ang pinsalang dulot ng typographical error ay walang pinipiling antas ng pamumuhay. Mahirap man o mayaman, puwedeng mabiktima ni Titivillus.

Kung talagang paniniwalaan ang mala-alamat na kuwento tungkol sa “patron demon of scribes”, mukhang pati si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nakaligtas dito.

Noong 2020, sinabi ng dating pangulo sa isa niyang talumpati na 167 million daw ang mga drug user sa Pilipinas samantalang ayon sa tantya ng PSA, 110 million lang umano ang populasyon ng bansa sa taong iyon.

Kaya depensa ng kaniyang dating Presidential Spokesperson na si Harry Roque: “Typo lang po ‘yun. It should be 1.67 million.”

Anyway, bukod sa typo error, si Titivillus din umano ang may kagagawan kung bakit nauutal o nagkakamali ang isang tao habang nagbabasa ng isang teksto sa pampublikong espasyo.

Iniipon din umano niya sa sako ang mga walang kuwentang pinag-uusapan ng mga tao habang nasa simbahan para gamitin laban sa mga ito pagdating ng araw ng paghuhukom.

Pero sa kabila ng mga pinsalang idinudulot ni Titivillus sa sangkatauhan, hindi maitatanggi ang isang naghuhumiyaw na katotohanan: nabibigyan niya ang mga editor at proofreader ng kabuhayan.

Tags: Titivillustypographical error
Previous Post

Toni Gonzaga usap-usapang babalik sa ABS-CBN

Next Post

Vice Ganda hinarap ang DongYan; teaser ng Rewind, inilabas na

Next Post
Vice Ganda hinarap ang DongYan; teaser ng Rewind, inilabas na

Vice Ganda hinarap ang DongYan; teaser ng Rewind, inilabas na

Broom Broom Balita

  • Annabelle sa mga ‘chismosang Marites’: ‘Wag ninyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon’
  • Kier Legaspi, ‘di rin kinakausap ng anak?
  • Vice Ganda, binara ang netizen: ‘Never umasa ang nanay ko’
  • Amihan, magdadala ng katamtamang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon
  • Surigao del Norte, niyanig ng 4.3-magnitude na lindol
Annabelle sa mga ‘chismosang Marites’: ‘Wag ninyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon’

Annabelle sa mga ‘chismosang Marites’: ‘Wag ninyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon’

December 9, 2023
Kier Legaspi, ‘di rin kinakausap ng anak?

Kier Legaspi, ‘di rin kinakausap ng anak?

December 9, 2023
Vice Ganda, binara ang netizen: ‘Never umasa ang nanay ko’

Vice Ganda, binara ang netizen: ‘Never umasa ang nanay ko’

December 9, 2023
Amihan, magdadala ng katamtamang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon

Amihan, magdadala ng katamtamang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon

December 9, 2023
Surigao del Norte, niyanig ng 4.3-magnitude na lindol

Surigao del Norte, niyanig ng 4.3-magnitude na lindol

December 9, 2023
Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!

Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!

December 9, 2023
Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City

Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City

December 8, 2023
9 Dawlah Islamiyah members, patay sa paglusob ng AFP sa Maguindanao

9 Dawlah Islamiyah members, patay sa paglusob ng AFP sa Maguindanao

December 8, 2023
Netizens, gustong magpatapak kay Kathryn Bernardo

Netizens, gustong magpatapak kay Kathryn Bernardo

December 8, 2023
BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

December 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.