• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

4-katao, patay sa banggaan ng kotse at cargo truck sa Antipolo

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
November 6, 2023
in Balita, National / Metro
0
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Patay ang apat na katao nang sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa isang cargo truck sa Antipolo City, sa Rizal nitong Lunes ng madaling araw.

Matinding pinsala sa ulo at katawan ang ikinasawi ng mga biktimang nakilalang sina Juanito Magsino, 22; Kidrock John Magsino, 21; Lawrence Ivan Jose, 21; at Ireneo Balmonte, 22; habang hindi naman nasaktan ang driver ng cargo truck na si Glen Gumban, na nasa kustodiya na ng pulisya.

Batay sa ulat ni Antipolo City Police chief P/LTCOL Ryan Manongdo, nabatid na ang banggaan ay naganap dakong alas-3:00 ng madaling araw sa tapat ng isang gasolinahan sa Marcos Highway, sa Barangay Mayamot, Antipolo City.

Nauna rito, sakay umano ang mga biktima ng isang Honda Civic, na minamaneho ni Juanito, at binabaybay ang Marcos Highway, nang pagsapit sa tapat ng isang gasolinahan bigla na lang itong sumalpok sa likurang bahagi ng isang Isuzu Wingvan truck, na minamaneho ni Gumban.

Ayon kay Manongdo, ang dalawang sasakyan ay kapwa nasa ikalawang linya ng kalsada at patungo sa direksiyon ng Sta. Lucia Grand Mall nang maganap ang aksidente.

Sinasabing mabilis ang takbo ng kotse nang maganap ang aksidente ngunit masusi pa itong iniimbestigahan ng mga awtoridad.

Previous Post

June Mar Fajardo, thankful sa ika-7 PBA MVP award

Next Post

‘Room’ ng namayapang anak, pagagandahin ni Janna Dominguez

Next Post
‘Room’ ng namayapang anak, pagagandahin ni Janna Dominguez

'Room' ng namayapang anak, pagagandahin ni Janna Dominguez

Broom Broom Balita

  • Vice Ganda, binara ang netizen: ‘Never umasa ang nanay ko’
  • Amihan, magdadala ng katamtamang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon
  • Surigao del Norte, niyanig ng 4.3-magnitude na lindol
  • Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!
  • Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City
Vice Ganda, binara ang netizen: ‘Never umasa ang nanay ko’

Vice Ganda, binara ang netizen: ‘Never umasa ang nanay ko’

December 9, 2023
Amihan, magdadala ng katamtamang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon

Amihan, magdadala ng katamtamang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon

December 9, 2023
Surigao del Norte, niyanig ng 4.3-magnitude na lindol

Surigao del Norte, niyanig ng 4.3-magnitude na lindol

December 9, 2023
Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!

Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!

December 9, 2023
Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City

Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City

December 8, 2023
9 Dawlah Islamiyah members, patay sa paglusob ng AFP sa Maguindanao

9 Dawlah Islamiyah members, patay sa paglusob ng AFP sa Maguindanao

December 8, 2023
Netizens, gustong magpatapak kay Kathryn Bernardo

Netizens, gustong magpatapak kay Kathryn Bernardo

December 8, 2023
BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

December 8, 2023
Auto Draft

TWG chief ng BFP-bids and awards committee, ipinasisibak dahil sa umano’y irregularidad

December 8, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

December 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.