“Nakasanayan kasi natin iyong nagbibigay ng libreng sakay papunta sa eskwelahan, iyon din po mismo ay sana mapigilan din natin,” panawagan ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia nitong Biyernes.
Ang ganitong hakbang aniya ay posibleng magdulot ng suspensyon ng proklamasyon ng mga nanalong kandidato, o suspensyon o disqualification.
Kaugnay nito, iniimbestigahan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang umano’y vote-buying incident sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan kasunod ng kanilang Operation Kontra Bigay sa isang bodega sa Navotas City.
PNA