• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Bangkay ng Pinay caregiver na nasawi sa Israel, maiuuwi agad — Marcos

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
October 16, 2023
in Balita Archive
0
Bangkay ng Pinay caregiver na nasawi sa Israel, maiuuwi agad — Marcos

(Presidential Communications Office/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pamilya ni Loreta Villarin Alacre, ang ikatlong Pinoy na nasawi sa giyera sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militant group na Hamas, na maiuuwi kaagad ang bangkay nito.

Paliwanag ng Pangulo, kapag nabuksan na ang humanitarian corridors ay maisasagawa na nila ang naturang hakbang.

Nitong Linggo, tinawagan ni Marcos ang kapatid ni Alacre at nakiramatay ito.

Anang Pangulo, ginagawa na ng pamahalaan ang lahat upang matulungan ang mga apektado ng digmaan.

“May assistance para sa pamilya, pero lahat ng kailangang gawin para maiuwi na (ang iyong kapatid) ay gagawin na muna namin. Iyon lamang, hinihintay muna natin kung ano ‘yung magiging sitwasyon doon sa Israel dahil talagang napakagulo masyado ngayon at sarado lahat,” paniniyak ni Marcos sa kapatid ni Alacre.

“Tulungan ka namin. Basta’t nandito ang gobyerno. Lahat ng mga embassy natin naka-alert naman, alam nila ang sitwasyon mo… lahat nga gusto nang umuwi kaya ‘yun na muna ang inayos namin at basta’t mabigyan tayo ng pagkakataon ay iuuwi na namin silang lahat,” anang Pangulo.

Nauna nang naiulat na nawawala si Alacre matapos lusubin ng Hamas ang Israel kamakailan.

Nilinaw din ni Marcos, bukas pa rin ang airport sa Tel Aviv, Israel, gayunman, bawal pa rin ito sa mga refugee.

Idinagdag pa ng Pangulo, nakikipag-ugnayan na sila sa Israeli government upang maiuwi na sa Pilipinas ang mga apektadong Pinoy.

Previous Post

Poe, pinayuhan mga ahensya na mamuhunan para sa strong cyber security infrastructures

Next Post

Toll hike sa SCTEX, epektibo sa Oktubre 17

Next Post
Toll hike sa SCTEX, epektibo sa Oktubre 17

Toll hike sa SCTEX, epektibo sa Oktubre 17

Broom Broom Balita

  • Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!
  • Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City
  • 9 Dawlah Islamiyah members, patay sa paglusob ng AFP sa Maguindanao
  • Netizens, gustong magpatapak kay Kathryn Bernardo
  • BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan
Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!

Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!

December 9, 2023
Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City

Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City

December 8, 2023
9 Dawlah Islamiyah members, patay sa paglusob ng AFP sa Maguindanao

9 Dawlah Islamiyah members, patay sa paglusob ng AFP sa Maguindanao

December 8, 2023
Netizens, gustong magpatapak kay Kathryn Bernardo

Netizens, gustong magpatapak kay Kathryn Bernardo

December 8, 2023
BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

December 8, 2023
Auto Draft

TWG chief ng BFP-bids and awards committee, ipinasisibak dahil sa umano’y irregularidad

December 8, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

December 8, 2023
(Manila Bulletin File Photo)

Disqualified candidates sa BSK elections, 82 na! — Comelec

December 8, 2023
2 Koreano, patay dahil sa suffocation sa sauna

2 Koreano, patay dahil sa suffocation sa sauna

December 8, 2023
Suspek sa Marawi bombing, arestado!

Suspek sa Marawi bombing, arestado!

December 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.