• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Richard de Leon by Richard de Leon
October 4, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Photo courtesy: FDCP's FB page/Star Cinema's FB page via It's Showtime

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Buong pusong nagpasalamat kamakailan si Unkabogable Star Vice Ganda sa pamunuan ng Film Development Council of the Philippines o FDCP nang parangalan siya bilang isa sa mga “new breed of comedians” kasama nina Eugene Domingo, Ai Ai Delas Alas, Michael V, at TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon).

Bukod kasi sa pagkilala sa kaniya bilang isa sa mga mahuhusay na komedyante ng bansa at nagdala ng “comedy bar-style” na pagpapatawa sa pelikula, kinilala rin ang box-office movies ng Unkabogable Star na nagsimula nang gawin niya ang remake ng pelikulang “Petrang Kabayo” sa direksyon ng yumaong Wenn Deramas.

Kaya naman, dinedicate at habambuhay raw siyang magpapasalamat kay Direk Wenn dahil dito.

Ayon kay Vice, maraming nagsasabing “pangit” at “basura” daw ang mga pelikula niya, subalit taas-noong ibinibida niya na ito ay tinangkilik ng mga Pilipinong nais sumaya at “tumakas” sa kanilang kinahaharap na problema sa buhay.

“Maraming nagsasabi na ang papangit ng pelikula ko, ang babasura ng pelikula ko. Pero ang ipinagmamalaki ko, sa mga panahong bagsak na bagsak ang mga Pilipino, at parang nawawalan na sila ng pag-asa, at sa mga panahong malungkot na malungkot sila, masayang-masaya ako na kaya maraming nanood ng pelikula, dahil ‘yong mga pelikula ko ang ginagawang pangtakas ng napakaraming Pilipino,” aniya sa kaniyang pasasalamat moment sa “It’s Showtime.”

Dagdag pa niya, “Sa mga taong gusto nilang maiyak pero manonood na lang sila para makatawid at makatakas sa bigat na nararamamdaman nila, feeling ko ‘yon ang essence ng pelikulang nagawa ko. Kayang maraming, maraming salamat po.”

Hindi kasi nakadalo sa awards night at tanging kinatawan ng Star Cinema ang tumanggap ng kaniyang tropeo.

Matatandaang sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio sa isang panayam na “walang kuwenta” raw ang mga pelikula ng award-winning comedian/TV host.

MAKI-BALITA: ‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

Tags: Film Development Council of Philippinesvice ganda
Previous Post

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Next Post

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

Next Post
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

'Barbie transformation' ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

Broom Broom Balita

  • Marcos, nag-react na sa pag-atake ng China Coast Guard sa PH vessels sa WPS
  • LTO, nanawagan sa mga delinquent vehicle owner na magparehistro na!
  • BOC, kumpiyansang maabot collection target next year
  • Iwas-recycling: Nakukumpiskang droga, ipinanukalang sirain agad
  • 2 suspected carnappers, huli sa Batangas
Marcos, nag-react na sa pag-atake ng China Coast Guard sa PH vessels sa WPS

Marcos, nag-react na sa pag-atake ng China Coast Guard sa PH vessels sa WPS

December 11, 2023
LTO, nanawagan sa mga delinquent vehicle owner na magparehistro na!

LTO, nanawagan sa mga delinquent vehicle owner na magparehistro na!

December 10, 2023
BOC, kumpiyansang maabot collection target next year

BOC, kumpiyansang maabot collection target next year

December 10, 2023
Iwas-recycling: Nakukumpiskang droga, ipinanukalang sirain agad

Iwas-recycling: Nakukumpiskang droga, ipinanukalang sirain agad

December 10, 2023
2 suspected carnappers, huli sa Batangas

2 suspected carnappers, huli sa Batangas

December 10, 2023
Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, natagpuang patay

Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, natagpuang patay

December 10, 2023
Kathryn, tinapatan followers ni Anne sa Instagram PH

Kathryn, tinapatan followers ni Anne sa Instagram PH

December 10, 2023
Zubiri sa pag-atake ng CCG sa PH vessels: ‘They have no heart’

Zubiri sa pag-atake ng CCG sa PH vessels: ‘They have no heart’

December 10, 2023
Mark Magsayo, ipinagdasal si Isaac Avelar matapos patumbahin

Mark Magsayo, ipinagdasal si Isaac Avelar matapos patumbahin

December 10, 2023
Magnitude 4.3 na lindol, muling nagpayanig sa Surigao del Sur

Magnitude 4.3 na lindol, muling nagpayanig sa Surigao del Sur

December 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.