• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
September 29, 2023
in Balita, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

photo from Senate PRIB, It's Showtime

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hiniling ni Senador Ramon “Bong” Revilla sa Office of the President (OP) na isaalang-alang ang mga ‘no work-no pay’ na empleyado ng noontime show na “It’s Showtime” sakaling maghain ito ng apela rito.

Nangyari ang pahayag ni Revilla matapos mapabalitang ibinasura ng Movie Television Review and Clissification Board (MTRCB) ang motions for reconsideration na isinumite ng “It’s Showtime” kaugnay ng 12 airing days suspension na ipinataw sa noontime show.

Maki-Balita: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

“Without getting into the merits of the case, sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan nung mga maliliit na staff at crew nung show na wala namang kinalaman at kasalanan dun sa nangyari,” saad ni Revilla.

“Sila yung mga ‘no work-no pay’ na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at kakainin,”  paliwanag ng senador.

Naniniwala si Revilla na maghahain ng apela sa OP ang ABS-CBN at GMA sa loob ng 15-day period.

Pagbibigay-diin ng senador, “I think lessons have been learned.”

“Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don’t punish those working hard day in-day out just to eke out a living,” pagtatapos ni Revilla.

Matatandaang nagpataw ang MTRCB kamakailan ng 12 airing days suspension sa It’s Showtime dahil umano sa mga natanggap nilang reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Tags: Bong RevillaIt's Showtime
Previous Post

UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’

Next Post

19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

Next Post
19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

Broom Broom Balita

  • Surigao del Norte, niyanig ng 4.3-magnitude na lindol
  • Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!
  • Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City
  • 9 Dawlah Islamiyah members, patay sa paglusob ng AFP sa Maguindanao
  • Netizens, gustong magpatapak kay Kathryn Bernardo
Surigao del Norte, niyanig ng 4.3-magnitude na lindol

Surigao del Norte, niyanig ng 4.3-magnitude na lindol

December 9, 2023
Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!

Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!

December 9, 2023
Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City

Higit ₱4M droga, nakumpiska sa Iloilo City

December 8, 2023
9 Dawlah Islamiyah members, patay sa paglusob ng AFP sa Maguindanao

9 Dawlah Islamiyah members, patay sa paglusob ng AFP sa Maguindanao

December 8, 2023
Netizens, gustong magpatapak kay Kathryn Bernardo

Netizens, gustong magpatapak kay Kathryn Bernardo

December 8, 2023
BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

BOC, nagbabala vs online scammers ngayong Kapaskuhan

December 8, 2023
Auto Draft

TWG chief ng BFP-bids and awards committee, ipinasisibak dahil sa umano’y irregularidad

December 8, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

December 8, 2023
(Manila Bulletin File Photo)

Disqualified candidates sa BSK elections, 82 na! — Comelec

December 8, 2023
2 Koreano, patay dahil sa suffocation sa sauna

2 Koreano, patay dahil sa suffocation sa sauna

December 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.