• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

LPA sa silangan ng Central Luzon, posibleng maging bagyo – PAGASA

MJ Salcedo by MJ Salcedo
September 29, 2023
in Balita, National / Metro
0
LPA sa silangan ng Central Luzon, posibleng maging bagyo – PAGASA

Courtesy: Dost_pagasa/FB screengrab

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Posibleng maging bagyo ang low pressure area (LPA) na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na mga oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Setyembre 29.

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA dakong 4:00 ng umaga, inihayag ni Weather Specialist Aldczar Aurelio na huling namataan ang LPA sa labas ng PAR 1,715 kilometro ang layo sa silangan ng Central Luzon.

“Inaasahan po natin itong papasok papasok sa ating Philippine area of responsibility sa susunod na 24 hanggang 48 hours,” ani Aurelio.

Umaabot naman umano ang trough ng LPA sa silangang bahagi ng Visayas at sa Mindanao.

Bukod dito, ayon pa kay Aurelio, nakaaapekto naman ang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at sa Visayas.

Pagdating sa magiging lagay ng panahon, ayon sa PAGASA, inaasahang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Eastern Visayas at Central Visayas dahil sa trough ng LPA.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms din ang posibleng maranasan sa Palawan, Zamboanga Peninsula, at mga natitirang bahagi ng Visayas bunsod naman ng habagat.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may tiyansa ng isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa trough ng LPA o localized thunderstorms.

Maaari rin umano magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

Previous Post

‘Pro-admin’ na opinyon ng mga Pinoy, bumaba – survey

Next Post

Marcos, maingat sa pagpili ng DA secretary — Malacañang

Next Post
Marcos, maingat sa pagpili ng DA secretary — Malacañang

Marcos, maingat sa pagpili ng DA secretary -- Malacañang

Broom Broom Balita

  • Guanzon sa 11 taong relasyon ng KathNiel: ‘Mas matagal pa din ang MRT 7’
  • Darryl Yap sa isyu ng hiwalayan: ‘Talagang dapat nating irespeto’
  • Next jowa nina Kathryn, Daniel mahihirapan sey ni Darryl Yap
  • Epekto ng KathNiel breakup, parang ShaGab breakup daw noon
  • Surigao del Sur, muling niyanig ng magnitude 5.2 na lindol
Guanzon sa 11 taong relasyon ng KathNiel: ‘Mas matagal pa din ang MRT 7’

Guanzon sa 11 taong relasyon ng KathNiel: ‘Mas matagal pa din ang MRT 7’

December 4, 2023
Darryl Yap sa isyu ng hiwalayan: ‘Talagang dapat nating irespeto’

Darryl Yap sa hiwalayan: ‘Talagang dapat nating irespeto

December 4, 2023
Next jowa nina Kathryn, Daniel mahihirapan sey ni Darryl Yap

Next jowa nina Kathryn, Daniel mahihirapan sey ni Darryl Yap

December 4, 2023
Epekto ng KathNiel breakup, parang ShaGab breakup daw noon

Epekto ng KathNiel breakup, parang ShaGab breakup daw noon

December 4, 2023
Surigao del Sur, muling niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Surigao del Sur, muling niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

December 4, 2023
KaSeth o SeKath? Kathryn Bernardo at Seth Fedelin pinu-push pagtambalin

KaSeth o SeKath? Kathryn Bernardo at Seth Fedelin pinu-push pagtambalin

December 4, 2023
Bangko Sentral ng Pilipinas, naglabas na nga ba ng ₱100 coins?

Bangko Sentral ng Pilipinas, naglabas na nga ba ng ₱100 coins?

December 4, 2023
Harry Roque, magbibitiw bilang abogado ‘pag nagkaroon ng jurisdiction ICC sa PH

Harry Roque, magbibitiw bilang abogado ‘pag nagkaroon ng jurisdiction ICC sa PH

December 4, 2023
Kathryn shini-ship na kay Alden: ‘Baka sila talaga!’

Kathryn shini-ship na kay Alden: ‘Baka sila talaga!’

December 4, 2023
Jerald Napoles, may hinihingi kina Kathryn, Nadine

Jerald Napoles, may hinihingi kina Kathryn, Nadine

December 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.