• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
September 28, 2023
in Balita, National / Metro
0
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

photo courtesy: Manila DRRM Office/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinisimulan na ng Manila City government na ayusin ang mga sala-salabat na electric wires sa ilang lugar sa Maynila.

Tinawag na ‘Operation Urban Blight,’ layunin ng programa na burahin na sa lungsod ang masakit sa mata na mga sala-salabat na mga kable ng kuryente, na maaaring ding magdulot ng panganib, gaya ng mga sunog.

“Ang operation na ito ay ating ginagawa kung saan tinatanggal natin ang napakaraming wires na sala-salabat na-o-overloaded wiring installations or ‘yung tinatawag na ‘spaghetti wirings,” ayon kay Lacuna.

Sa ilalim ng nasabing operasyon, ire-rehabilitate din ng pamahalaang lungsod ang mga marurupok na mga poste, tatanggalin ang mga hindi na ginagamit at aayusin ang mga maaari pang pakinabangan.

Pinasalamatan din naman ni Lacuna ang Manila Electric Company (Meralco), gayundin sina City Engineer Armand Andres, Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles at ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa pangunguna ni Zeny Viaje at adviser Dennis Viaje, dahil sa pagtulong sa operasyon, na sinimulan sa Binondo.

“Walang tigil ang ating pagsasaaayos ng mga kable sa ating lungsod. Wish ko sana, sa mga susunod na taon ay underground na lahat ng mga kable. Magastos, pero safe lalo na sa panahon ngayon,” aniya pa.

Kaugnay nito, nanawagan din ang alkalde sa mga barangay na maging extra vigilant habang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ang pagsasaayos sa mga spaghetti wirings.

Partikular na pinababantayan ng alkalde sa mga opisyal ng barangay ang mga kabataan, na napaulat na nanunungkit at namumutol ng mga kable sa kanilang lugar.

“Madaming report na ang mga kabaataan sinusungkit ang mga kable.  Please naman po, maawa kayo sa inyong mga lugar,” pakiusap pa ng lady mayor.

Binigyang-diin ni Lacuna na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat upang magtipid ng pondo upang makapagbigat ng pinakamahusay na serbisyo para sa mga residente, kabilang na rito ang pagpapailaw sa mga madidilim na lugar upang matiyak na ligtas sila mula sa masasamang elemento.

“Tayo po ay nagsisikap maging masinop para maibigay ang tamang serbisyo sa inyo. ‘Wag naman nating sayangin kasi ginagastuan natin ‘yan.  Di lang ng lokal na pamahalaan kundi maging ng national government.  Sayang naman at madami tayong napeperwisyo,” apela pa niya.

Tags: maynila
Previous Post

‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

Next Post

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Next Post
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Broom Broom Balita

  • PBBM, positibo sa Covid-19
  • VP Sara kay PBBM: ‘Hindi ang pagbibigay ng amnestiya ang daan sa kapayapaan’
  • Cristy, binuweltahan pagpalag ni Karla sa fake news peddlers
  • Pope Francis, pinagdasal mga biktima ng pambobomba sa Marawi
  • Sis ni Kathryn pinost ‘Karma’ song ni Taylor Swift
Obispo, nanawagan sa mga mamamayan na ipanalangin si PBBM

PBBM, positibo sa Covid-19

December 5, 2023
VP Sara kay PBBM: ‘Hindi ang pagbibigay ng amnestiya ang daan sa kapayapaan’

VP Sara kay PBBM: ‘Hindi ang pagbibigay ng amnestiya ang daan sa kapayapaan’

December 4, 2023
Cristy, binuweltahan pagpalag ni Karla sa fake news peddlers

Cristy, binuweltahan pagpalag ni Karla sa fake news peddlers

December 4, 2023
Pope Francis, nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng sitwasyon ng Turkey, Syria dahil sa lindol

Pope Francis, pinagdasal mga biktima ng pambobomba sa Marawi

December 4, 2023
Sis ni Kathryn pinost ‘Karma’ song ni Taylor Swift

Sis ni Kathryn pinost ‘Karma’ song ni Taylor Swift

December 4, 2023
Sagot ng KathNiel tungkol sa ‘loyalty’ binabalikan ng netizens

Sagot ng KathNiel tungkol sa ‘loyalty’ binabalikan ng netizens

December 4, 2023
Duterte, ‘di nagpakita sa pagdinig ukol sa kasong isinampa ni Castro

Duterte, ‘di nagpakita sa pagdinig ukol sa kasong isinampa ni Castro

December 4, 2023
‘Wala na network wars!’ Alden aminadong nanonood din ng It’s Showtime

‘Wala na network wars!’ Alden aminadong nanonood din ng It’s Showtime

December 4, 2023
Romnick Sarmenta, sinong kakampihan sa KathNiel?

Romnick Sarmenta, sinong kakampihan sa KathNiel?

December 4, 2023
Daniel, Mavy may sumpa sa pakikipagrelasyon?

Daniel, Mavy may sumpa sa pakikipagrelasyon?

December 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.