Walang nakasungkit sa Super Lotto 6/49 draw nitong Linggo na may jackpot na mahigit ₱75.5 milyon.
Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nakakuha ng 6-digit winning combination na 04-38-21-24-23-20.
Nasa ₱75,560,208.80 ang katumbas na premyo sa ginanap na draw, ayon sa PCSO.
Hindi rin tinamaan ang jackpot na ₱49,500,000 sa isinagawang Ultra Lotto 6/58 draw.
Ito ay may winning combination na 30-20-27-28-38-42, dagdag pa ng PCSO