• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mga kawani ng gobyerno na nabigyan ng libreng sakay, umabot sa halos 15K

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
September 21, 2023
in Balita, National / Metro
0
MRT-3: 216 na visually impaired passengers, napagkalooban ng libreng sakay

MB PHOTO BY ARNOLD QUIZOL

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umaabot sa halos 15,000 kawani ng pamahalaan ang napagsilbihan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa ipinatupad na tatlong araw na libreng sakay para sa kanila kamakailan.

Batay sa ulat ng MRT-3, nabatid na umabot sa kabuuang 10,007 government employees ang nabigyan nila ng libreng sakay habang 4,422 naman ang nabigyan ng libreng sakay ng LRT-2.

Ipinatupad ng dalawang rail lines ang libreng sakay simula Setyembre 18 hanggang 20, sa peak hours ng operasyon ng kanilang mga tren, mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ang naturang libreng sakay ay bilang pakikiisa ng MRT-3 sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Service Anniversary.

Handog naman umano ito ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2, bilang tugon sa hiling ng Civil Service Commission (CSC) na kilalanin at pasalamatan ang mga kawani ng pamahalaan sa kanilang serbisyo at paglilingkod sa bayan.

“Nakikiisa po ang Light Rail Transit Authority sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service. Ito pong libreng sakay natin sa LRT-2 para sa mga kawani ng pamahalaan ay taon-taon na isinasagawa bilang pasasalamat at pagkilala ng LRTA sa kanilang dedikasyon, serbisyo at sakripisyo sa bayan,” ayon pa kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera.

Ang MRT-3 ay bumabagtas sa kahabaan ng EDSA mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City habang ang LRT-2 naman ang siyang nag-uugnay sa Recto, Maynila at Antipolo City.

Tags: libreng sakayLRT-2MRT-3
Previous Post

Lagman, hinikayat mga Pinoy na alalahanin ang Martial Law

Next Post

Malacañang, walang pahayag sa ika-51 anibersaryo ng Martial Law

Next Post
Malacañang, walang pahayag sa ika-51 anibersaryo ng Martial Law

Malacañang, walang pahayag sa ika-51 anibersaryo ng Martial Law

Broom Broom Balita

  • Cristy, binuweltahan pagpalag ni Karla sa fake news peddlers
  • Pope Francis, pinagdasal mga biktima ng pambobomba sa Marawi
  • Sis ni Kathryn pinost ‘Karma’ song ni Taylor Swift
  • Sagot ng KathNiel tungkol sa ‘loyalty’ binabalikan ng netizens
  • Duterte, ‘di nagpakita sa pagdinig ukol sa kasong isinampa ni Castro
Cristy, binuweltahan pagpalag ni Karla sa fake news peddlers

Cristy, binuweltahan pagpalag ni Karla sa fake news peddlers

December 4, 2023
Pope Francis, nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng sitwasyon ng Turkey, Syria dahil sa lindol

Pope Francis, pinagdasal mga biktima ng pambobomba sa Marawi

December 4, 2023
Sis ni Kathryn pinost ‘Karma’ song ni Taylor Swift

Sis ni Kathryn pinost ‘Karma’ song ni Taylor Swift

December 4, 2023
Sagot ng KathNiel tungkol sa ‘loyalty’ binabalikan ng netizens

Sagot ng KathNiel tungkol sa ‘loyalty’ binabalikan ng netizens

December 4, 2023
Duterte, ‘di nagpakita sa pagdinig ukol sa kasong isinampa ni Castro

Duterte, ‘di nagpakita sa pagdinig ukol sa kasong isinampa ni Castro

December 4, 2023
‘Wala na network wars!’ Alden aminadong nanonood din ng It’s Showtime

‘Wala na network wars!’ Alden aminadong nanonood din ng It’s Showtime

December 4, 2023
Romnick Sarmenta, sinong kakampihan sa KathNiel?

Romnick Sarmenta, sinong kakampihan sa KathNiel?

December 4, 2023
Daniel, Mavy may sumpa sa pakikipagrelasyon?

Daniel, Mavy may sumpa sa pakikipagrelasyon?

December 4, 2023
Unang naitalang pregnant megamouth shark, natagpuan sa ‘Pinas

Unang naitalang pregnant megamouth shark, natagpuan sa ‘Pinas

December 4, 2023
Guanzon sa 11 taong relasyon ng KathNiel: ‘Mas matagal pa din ang MRT 7’

Guanzon sa 11 taong relasyon ng KathNiel: ‘Mas matagal pa din ang MRT 7’

December 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.