• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

RR Enriquez may advice kay Izzy Trazona bilang isang Christian

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
September 19, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
RR Enriquez may advice kay Izzy Trazona bilang isang Christian

photos courtesy: RR Enriquez (Facebook) and Izzy Trazona (Facebook)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bilang kapwa Kristiyano, nagbigay ng advice ang social media personality na si RR Enriquez sa dating Sexbomb Girls member na si Izzy Trazona-Aragon hinggil sa anak nitong drag queen na si Sofia o Andrei Trazona.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Setyembre 18, ikinuwento ni RR na siya ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng transgender na kapatid.

“I have a transgender sibling. Sobrang favorite ko ang mga gay, because my best friend when I was in high school was a gay. That’s why when my brother was born, I forcedly made him a gay😂 Totoo yan. Baby pa lang sya tnreat ko na sya na babae. Minimake upan, dinadamitan ng pambabae at pinapa split. Pinalaki ko sya as a sexbomb dancer😂 Basta gusto ko talaga na gay sya. And true enough naging trans nga sya…😅🤓” kuwento ng social media personality.

Noong 2012, na-guilty raw siya sa ginawa niya sa kaniyang kapatid. Since na-guilty nga siya, finorce niyang maging lalaki ulit ito lalo’t bagong Christian daw siya no’n.

“But as you age and mature you will feel guilty na bakit mo yun ginawa sa kanya? May mga moment na naguilty talaga ako kaya pinuforce ko naman sya na maging lalaki back in 2012 (yan yung bago ako as a Christian)” aniya pa.

Pinipilit pa raw niyang umattend ito ng Bible study pero nang kausapin daw siya ng kaniyang kapatid, natauhan siya.

“Umabot kami sa nag aaway na kami kasi nga ayaw ko na sya maging gay. I was desperate and tried to bribe him pa to attend a bible study every week in exchange of shopping ng mga shoes😂,” sey ni RR.

“But when he talked to me and say how hurt he was and how painful it is for him to be judged and forced to attend bible study, para hindi maging gay… NATAUHAN ako,” dagdag pa niya.

Nanalangin daw siya sa Diyos na bigyan siya ng compassion sa kaniyang kapatid. After daw no’n, sinuportahan niya ang mga gusto ng kapatid.

“I prayed and asked God na bigyan nya ako ng compassion to my brosis just how God showed mercy and compassion to me.. After that prayer. I feel relieved! I supported him sa mga gusto nya… May mga moment nga sasabihin ko na dapat maging sexy transgender star sya. Mag post sya sa instagram ng naka thong naka lingerie or magpa nip slip sya😂 Kaso sya naman ang pabebe ayaw,” ani RR.

Dagdag pa, “Gusto nya medyo conservative trans daw sya. Eh gusto ko sya ipackage as sexy starlet😂 Sabi ko nga mag join sya ng OF fans😜 So ayan na pinag tatalunan namin. Gusto ko pokpokita image sya, ayaw naman nya😂“

Kaya ang advice ni RR kay Izzy na hayaan ang anak kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay.

“But seriously…. My advice is let them do whatever they want to do. Let them fly with their own wings. Hinayaan din ako ng parents ko na lumipad at mag desisyon para sa buhay ko… Tama or mali one day our mess will become a message to inspire everyone…

“He’s still young and maybe wants to experience or experiment life. Let him. Make a stand for what you believe but always choose compassion and love. Correct him with love. Guide him with Love,” advice ni RR.

Aniya pa, hindi raw sila ang makapagpapabago sa kanila kundi ang Panginoon lang.

“Hindi tayo ang makakapag pabago sa kanila. Si God lang talaga. Our job is to pray for them and guide them with love and compassion. You can plant a seed and God will be the one to water it.”

KAUGNAY NA BALITA:

Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?

Tags: Izzy TrazonaRR Enriquez
Previous Post

Francine Garcia, bumoses sa pinagpiyestahang pics kasama ang anak ni Chavit

Next Post

Chito, ‘nagpalamig’ muna sa Baguio

Next Post
Chito, ‘nagpalamig’ muna sa Baguio

Chito, ‘nagpalamig’ muna sa Baguio

Broom Broom Balita

  • MTRCB, may pahayag sa ‘no work, no pay’ issue kung masuspinde ang It’s Showtime
  • Bagyong Jenny, itinaas na sa kategoryang severe tropical storm
  • Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?
  • Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?
  • Cristine Reyes hinahanap ni David DiMuzio; Marco Gumabao, nag-react
‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

MTRCB, may pahayag sa ‘no work, no pay’ issue kung masuspinde ang It’s Showtime

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Bagyong Jenny, itinaas na sa kategoryang severe tropical storm

October 1, 2023
Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?

Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?

October 1, 2023
Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?

Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?

October 1, 2023
Cristine Reyes hinahanap ni David DiMuzio; Marco Gumabao, nag-react

Cristine Reyes hinahanap ni David DiMuzio; Marco Gumabao, nag-react

October 1, 2023
‘No network wars na talaga!’ GMA execs naispatan sa ABS-CBN Ball

‘No network wars na talaga!’ GMA execs naispatan sa ABS-CBN Ball

October 1, 2023
Jolina Magdangal, sinariwa ang unang sitcom

Jolina Magdangal, sinariwa ang unang sitcom

October 1, 2023
Pokwang mas dumarami ang property kapag inaapi, pinapaiyak

Pokwang mas dumarami ang property kapag inaapi, pinapaiyak

October 1, 2023
‘Starlet’ ng GMA nagkuwento tungkol sa karanasan bilang artista

‘Starlet’ ng GMA nagkuwento tungkol sa karanasan bilang artista

October 1, 2023
‘Jenny’ lumakas pa, patuloy na kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ lumakas pa, patuloy na kumikilos pa-northwest sa PH Sea

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.