• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lacuna: Pagpapailaw sa Maynila, tuluy-tuloy

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
September 19, 2023
in Balita, National / Metro
0
Lacuna: Pagpapailaw sa Maynila, tuluy-tuloy

photo courtesy: Manila PIO

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna na tuluy-tuloy ang pagpapailaw na ginagawa nila sa lungsod para na rin sa kaligtasan ng mga motorista at mga pedestrians.

Ang pagtiyak ay ginawa ng alkalde nang pangunahan ang streetlighting activity sa Quirino Avenue nitong Lunes ng gabi.

Kasama ni Lacuna sa naturang aktibidad sina City Engineer Armand Andres, Vice Mayor Yul Servo, City Electrician Randy Sadac, Chairman Jaime Adriano at iba pang opisyal.

Ayon kay Lacuna, ang kahabaan ng Quirino Avenue mula Roxas Boulevard hanggang Taft Avenue ay inilawan nila bilang tugon sa mga kahilingan ng mga residente at mga barangay officials na nakakasakop ng nasabing lugar.

“Napakadilim po kasi dito at marami sa ating mga kababayan, lalo na ang mga  barangay officials na nakakasakop, ay talagang hiling na sana lumiwanag dito,” aniya pa, sa isang maikling mensahe, sa aktibidad.

Sinabi naman ni Andres na ang lugar ay pinailawan ng 70 sets ng 27-talampakang steel lamp posts.

Sakop aniya nito ang 10 barangay at may sukat ito na 965 metro kuwadrado.

Aniya pa, “ito na ang katuparan ng inyong kahilingan dahil sa masinop na pag-aalaga ng pondo ng inyong pamahalaan.”

Binigyang-diin pa niya na ang maliwanag na lugar ay pabor sa mga motorista at mga pedestrian, dahil iniiwasan ito ng mga kriminal.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng alkalde ang mga residente at mga opisyal ng barangay na ingatan ang mga poste at ilaw at tiyaking laging gumagana at ligtas sa lahat ng uri ng bandalismo.

“Pakiusap po namin sa inyo… ito ay pinaghirapan nating lahat kaya sana ay panatilihin nating maliwanag ang parteng ito.  ‘Wag kayong mag- alala dahil uunti-untiin natin ang kahabaan ng Quirino,” ayon pa sa alkalde.

Pinasalamatan niya rin ang mga katuwang ng pamahalaang lungsod sa private sector, lalo na ang Manila Electric Company (Meralco), sa kanilang patuloy na suporta.

Tiniyak naman ni Lacuna sa mga residente na ang kanilang pamahalaang lungsod ay patuloy sa pagkakaloob ng pinamakamahusay na serbisyo at may panawagan sa kanila na tumulong sa administrasyon na maisakatuparan ang mga programa patungong sa nalalapit na ‘Magnificent Manila’.

Tags: Manila Mayor Honey Lacunamaynila
Previous Post

PBBM sa ₱20 kada kilo ng bigas: ‘May chance lagi ‘yan’

Next Post

GMA bumarda sa negatron ng bashers; Barbie, basa talaga

Next Post
GMA bumarda sa negatron ng bashers; Barbie, basa talaga

GMA bumarda sa negatron ng bashers; Barbie, basa talaga

Broom Broom Balita

  • ₱5.768T national budget para sa 2024, inaprubahan na ng mga kongresista
  • LPA, habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
  • Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo
  • Lala Sotto sa It’s Showtime: ‘A lot of people are suggesting to cancel the show’
  • Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows
Buwanang pensiyon ng senior citizens, dinoble

₱5.768T national budget para sa 2024, inaprubahan na ng mga kongresista

September 28, 2023
LPA, habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

LPA, habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

September 28, 2023
Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo

Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo

September 28, 2023
Lala Sotto sa It’s Showtime: ‘A lot of people are suggesting to cancel the show’

Lala Sotto sa It’s Showtime: ‘A lot of people are suggesting to cancel the show’

September 28, 2023
Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

September 28, 2023
Kathryn baka matulak ulit si Dolly dahil sa sinabi nito

Kathryn baka matulak ulit si Dolly dahil sa sinabi nito

September 28, 2023
‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

MTRCB, ilalabas daw desisyon sa apela ng It’s Showtime ngayong linggo

September 28, 2023
Willie Revillame, niyaya raw ulit mag-senador

Willie Revillame, niyaya raw ulit mag-senador

September 28, 2023
Willie Revillame, ‘binanatan’; gumagamit daw ng taumbayan para yumaman

Willie Revillame, ‘binanatan’; gumagamit daw ng taumbayan para yumaman

September 28, 2023
Sey ng netizen sa pic nina Andrea, Halle: ‘Dyesebel meets Little Mermaid’

Sey ng netizen sa pic nina Andrea, Halle: ‘Dyesebel meets Little Mermaid’

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.