• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

GMA bumarda sa negatron ng bashers; Barbie, basa talaga

Richard de Leon by Richard de Leon
September 19, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
GMA bumarda sa negatron ng bashers; Barbie, basa talaga

Photo courtesy: Baylon Ngayon's FB page/GMA Network/TikTok

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila “subtle way” na pinalagan ng GMA Network ang pang-ookray ng ilang netizens hinggil sa isang eksena ni “Kapuso Primetime Princess” Barbie Forteza sa action-drama series na “Maging Sino Ka Man” matapos itong mahulog sa ilog at gumapang sa putikan.

Nahulog kasi sa ilog ang motorsiklong sinasakyan niya bilang “Monique,” nang ipitin ito ng karakter na ginagampanan naman ni Jeric Raval na si “Alex.” Si Alex ay tauhan ni “Gilbert” na ginagampanan naman ni Juancho Trivino, na nais ipaligpit ang karakter ni Barbie.

Sey ng ilang bashers, tila hindi naman daw basa ang buhok at katawan ni Barbie nang umahon ito mula sa ilog. Binarda pa ito ng isang Facebook page na “Baylon Ngayon.”

“Waterproof yaRn? Nahulog sa ilog kasama motor. Lakas ng impact sa tubig. Pag-ahon tuyo? Taray. World-class nga,” mababasa sa caption nito kalakip ang screenshot na larawan ni Barbie mula sa eksena.

Patuloy na pambabarda nito, “Kahit pa naka-helmet sya. Lakas ng impact pagbagsak nya sa tubig. Lubog na lubog sya. Ano ‘yàn helmet diving sa Boracay na hindi mababasa yung ulo mo?”

“#WorldClass talaga. Tapos magtataka sila bakit d pumapatok.”

“Pagdating sa mga ganito, mahirap ipagtanggol ang GMA. Dati nga yung multo naka face shield eh.”

https://

Mapapansin din na tila inookray nito sa kabuuan ang bagong serye ng BarDa o tawag sa breakthrough loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.

Samantala, ngayong araw ng Martes, Setyembre 19, naglabas ng isang artikulo ang GMA Network na pumapaksa sa “BTS” o behind-the-scenes ng nabanggit na eksena. Makikita rin ito sa kanilang TikTok platform.

Sa nabanggit na video, makikitang tila nag-iinternalize na si Barbie sa kaniyang karakter dahil nanginginig ito at umiiyak habang binubuhusan ng tubig mula ulo hanggang katawan. Ilang lalaking crew ang nagbuhos ng tubig sa kaniya mula sa water containers.

Ibig sabihin, talagang basa si Barbie nang kunan ang nabanggit na eksena.

Samantala, marami naman ang pumuri sa ipinakitang propesyunalismo ni Barbie lalo na ang kaniyang internalization.

 

Tags: Barbie FortezaMaging Sino Ka Man
Previous Post

Lacuna: Pagpapailaw sa Maynila, tuluy-tuloy

Next Post

Pau Fajardo, may natagpuan sa Thailand

Next Post
Pau Fajardo, may natagpuan sa Thailand

Pau Fajardo, may natagpuan sa Thailand

Broom Broom Balita

  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
  • Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD
  • ‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag
  • 2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan
  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa

‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa

October 1, 2023
‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

October 1, 2023
Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

October 1, 2023
Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.