• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Vice Ganda, nausisa kung gaano na kayaman: ‘Hindi ko na masukat…’

Richard de Leon by Richard de Leon
September 18, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Vice Ganda, nausisa kung gaano na kayaman: ‘Hindi ko na masukat…’

Photo courtesy: George Royeca/YouTube

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Unang tanong kaagad ng CEO ng isang sikat na ride hailing and delivery app na si George Royeca kay Unkabogable Star at Phenomenal Box-Office Superstar Vice Ganda, ay kung gaano na siya kayaman.

Si Vice ang sumalang sa episode 1 ng vlog series na “PasaHero with Mister Angkas.”

Ayon kay Vice, kung tutuusin daw ay hindi na niya masukat kung gaano siya kayaman ngayon.

Take note, hindi lang pera ang tinutukoy ni Vice kundi ang iba pang yaman sa iba’t ibang aspeto gaya ng pamilya, pagmamahal, mga kaibigan, at iba pa.

Kaya masasabi raw niyang hindi na niya masukat ang yaman na mayroon siya ngayon.

Aminado si Vice na ang mga tanong na “Gaano na siya kayaman” ay kadali raw ibato ng nagtatanong subalit ang hirap sagutin.

“Depende siguro kung saan mo sinusukat ‘yong kayamanan na tinutukoy,” ani Vice.

“Hindi ko alam, pero hindi ko na masukat ang yaman ko ngayon,” giit ng komedyante.

“Sama-sama na ‘yong tinutukoy na yaman ko ha. Yaman ng pananalapi, yaman ng kaligayahan sa puso, yaman ng mga naabot na rin na mga pangarap. Yaman ng mga taong nakapaligid sa akin. So kung susumahin ko, ‘pag pinagsama-sama ko ‘yon, hindi ko na alam kung gaano siya kalaki, pero alam kong mayaman na ako,” pahayag pa ni Vice.

Dito ay inisa-isang ikinuwento ni Vice ang kaniyang paraan ng pag-iimpok noong nagsisimula pa lamang siya bilang singer sa comedy bars.

Aniya, hindi raw niya kinukuha ang mismong talent fee niya dahil ang ginagasta niya ay ang tip na ibinibigay sa kaniya sa tuwing kumakanta siya.

Bagay na pinagbutihan niyang mabuti.

Subalit nagkaroon daw ng “dagok” dito si Vice matapos daw na mamalat ang kaniyang boses at hindi makakanta ng ilang buwan.

Dito niya inaral ang pagiging stand-up comedian.

Hindi naman niya akalaing magtatagumpay siya rito at kikilalanin siyang “Queen of Comedy Bars.”

Hanggang sa unti-unti raw pinapasok na rin niya ang showbiz, hanggang sa hindi na namalayan ni Vice na nasa mainstream na siya.

Hindi akalain ni Vice Ganda na sisikat siya nang husto, dahil noon, ang goal lang daw niya ay kumita.

Nang kumita at magkaroon na siya ng sapat na pera, ang inasam naman niya ay sumikat.

Na pareho naman niyang nagawa.

At habang natatamasa na niya at naabot na ang purpose niyang pansarili, ang next level daw ng purpose niya ay maging inspirasyon sa mga nire-represent niya, partikular ang komunidad ng LGBTQIA+.

Sey naman ni George, hindi lang sa LGBTQIA+ community inspirasyon si Vice Ganda kundi para sa lahat, lalo na ang kakaibang mindset o paraan ng pag-iisip nito.

MAKI-BALITA: ‘Tumawad’ kay Vice Ganda noon, supalpal: ‘Ay hindi puwede…’

Tags: AngkasGeorge Royecavice ganda
Previous Post

Binatang dinukot umano ng NPA, natagpuang patay sa Cagayan

Next Post

Virtual oathtaking para sa bagong environmental planners, kasado na

Next Post
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

Virtual oathtaking para sa bagong environmental planners, kasado na

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.