• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Tumawad’ kay Vice Ganda noon, supalpal: ‘Ay hindi puwede…’

Richard de Leon by Richard de Leon
September 18, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Tumawad’ kay Vice Ganda noon, supalpal: ‘Ay hindi puwede…’

Photo courtesy: George Royeca/YouTube

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ang naging panayam ni George Royeca, CEO ng isang sikat na ride hailing and delivery app, kay Unkabogable Star Vice Ganda, sa vlog series na ‘PasaHero with Mister Angkas.”

Bahagi ng vlog ang pag-ungkat sa nakaraan ni Vice noong hindi pa siya ganoon kasikat, bilang isang stand-up comedian. May nakapagsabi raw sa kaniyang isa sa mga boss ng ABS-CBN na kaya siya matagumpay ngayon ay dahil sa husay niyang mag-manage ng sarili. Kahit na wala raw siyang manager ay kayang-kaya raw niyang mamayagpag.

“You act like a manager,” sabi raw sa kaniya.

“You know how to manage yourself, your career. Kahit nga wala kang manager kaya mo na eh,” dagdag pa raw.

“Ang negosyo ko ay ‘yong sarili ko. Wala naman akong ibang ninenegosyo eh,” paliwanag pa ng komedyante. “Kailangang mag-adapt at mag-evolve sa need at hype.”

Natanong ni George si Vice kung ano ang pananaw niya tungkol sa pagkakaroon ng “manager” ng isang talent o artista.

“You were talking about you being your own manager. I want to bring up something that’s very Filipino, and I wanna get your thoughts on it. ’Yong hiya, ’di ba, kaya ka may manager is minsan ‘yong talent, nahihiya presyuhan ‘yong sarili niya eh. Nahihiya mag-push ng deal. Nahihiya na i-manage ‘yong sarili niya kasi baka mapikon ‘yong producer. Ano ‘yong mindset mo do’n? Paano ka nagkaroon ng ganoong klaseng confidence?,” usisa ng CEO sa “It’s Showtime” host.

“Sa simula kailangan mo talaga ng manager,” sagot ni Vice.

“You will need someone to represent you. And in order for you to professionalize it. Kasi ‘di ba parang hindi legit, parang hindi professional ang approach kung wala kang manager. Totoo ’yon eh, ‘yong abutan ng pera, nakakababa ’yon ng pagiging artist mo kapag binibilangan ka ng talent fee at saka ’yong tinatawaran ka,” wika ni Vice.

“Dati meron akong raket na hindi ko nakuha kasi maldita daw ako, sabi nilang ganon. Kasi tinanong ako, ‘Magkano ka ba sa raket, 2 hour show.’ Ganiyan. Sabi ko, ‘Ah ano po, ₱15,000.’ Tapos sabi, ‘Ay puwede bang tumawad?’ ‘Ay hindi po kasi natatawaran kasi ‘yong talent’, sabi kong gano’n.”

“Kasi ang puwede mo tawaran ’yong oras, iiksian natin ‘yong oras, pero ’yong talent, hindi mo puwede tawaran.”

“So pag binayaran mo ba ako ng ₱5,000, babawasan ko ‘yong jokes ko? Pag binawasan mo ba ako ng ₱5,000, ninipisan ko lang ‘yong blush-on ko? It’s the same level of fun, it’s the same jokes, it’s the same level of beauty ang ibibigay ko sa inyo, so hindi n’yo puwedeng tawaran,” giit pa ni Vice.

Dito rin ay sinabi ni Vice na naniniwala siyang hindi na niya masukat kung gaano siya kayaman ngayon.

Pero paglilinaw ng Unkabogable at Phenomenal Box-Office Superstar, marami kasing depinisyon ang pagiging mayaman, hindi lamang sa pera, kundi sa iba’t ibang aspeto gaya ng mga kaibigan, pamilya, at iba pa.

Tags: AngkasGeorge Royecavice ganda
Previous Post

NFA, nagtakda ng buying price ng palay — Malacañang

Next Post

Bayani Agbayani sa dating buhay: ‘Mahirap pa kami sa daga’

Next Post
Bayani Agbayani sa dating buhay: ‘Mahirap pa kami sa daga’

Bayani Agbayani sa dating buhay: ‘Mahirap pa kami sa daga’

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.