• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Wala nang natira!’ AFP, pinaghinalaan China sa pagkalimas ng corals sa WPS

MJ Salcedo by MJ Salcedo
September 17, 2023
in Balita, National / Metro
0
‘Wala nang natira!’ AFP, pinaghinalaan China sa pagkalimas ng corals sa WPS

Courtesy: Western Command via MB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinaghinalaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang China na may kagagawan umano sa nadiskubre nilang malawakang pagkalimas ng mga corals na nakapalibot sa Rozul Reef sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado, Setyembre 16, ibinahagi ni Vice Adm. Alberto Carlos, commander ng Palawan-based Western Command (WesCom) na nangangasiwa sa mga operasyong militar sa WPS, na napansin umano nila ang muling pagkukumpulan o swarming ng mga sasakyang pandagat ng China sa Rozul Reef o Iroquois Reef noong Agosto.

Ito ay isang buwan lamang umano matapos nilang itaboy ang humigit-kumulang 50 barko ng Chinese maritime militia (CMM) sa naturang lugar.

Dahil dito, nagpadala raw ang militar ng mga diver nito upang magsagawa ng underwater survey sa Rozul Reef.

“Nakita namin na wala na ‘yung mga corals. Nasira na ‘yung mga corals and may debris,” ani Carlos.

“We are coordinating with scientists, experts to do their assessment of the area. So we already have the pinpointed areas na dati silang nagsu-swarm,” dagdag pa niya.

Samantala, nilinaw naman ni Carlos na iniimbestigahan pa nila ang nangyari at suspetsa pa lamang daw na ang Chinese vessels nga ang humakot ng corals sa Rozul Reef.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Carlos na ang Pilipinas lamang ang may karapatang mag-angkin sa resources sa loob ng exclusive economic zone nito sa WPS. Ito ay dahil umano sa arbitral ruling noong 2016, kung saan tinanggihan ang claims ng China sa South China Sea batay sa nine-dash line nito.

“That’s why it’s alarming because as far as the Western Command is concerned, it is our duty to protect that sovereign rights para sa mga Pilipino, sila dapat ang mag-enjoy ng resources na nandoon sa exclusive economic zone,” saad ni Carlos.

Sa ngayon ay target umano ng WesCom na dagdagan ang kanilang presensya sa Rozul Reef upang protektahan ito.

Isa pa sa mga istratehiyang tinitingnan ni Carlos upang maprotektahan ang interes ng bansa sa WPS ay ang pagsasagawa umano ng mga coordinated patrol sa mga kaalyadong bansa.

“We’re doubling our effort on that. We’re going to address that issue by increasing our presence there. We should be constant, have strong presence there. Sama-sama na,” ani Carlos.

Previous Post

PBA Rookie Draft: Ricci Rivero, hinatak ng Phoenix Fuel Masters

Next Post

Chinese na dawit umano sa human trafficking, timbog sa Parañaque

Next Post
Chinese na dawit umano sa human trafficking, timbog sa Parañaque

Chinese na dawit umano sa human trafficking, timbog sa Parañaque

Broom Broom Balita

  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
  • ₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga
  • ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

September 28, 2023
Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’

Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.