• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘House cat na may konting tao’, patok sa netizens

Ralph Mendoza by Ralph Mendoza
September 18, 2023
in Balita, Features
0
‘House cat na may konting tao’, patok sa netizens

Photo Courtesy: Heartlove Bautista (Facebook)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Patok sa netizens ang larawang ibinahagi ni Corazon Bautista o “Heartlove Bautista” sa isang Facebook online community nitong Sabado, Setyembre 16.

Makikita kasi sa larawan na hindi lang isa at hindi rin dalawa, kundi labintatlong magkakahilerang pusa ang sabay-sabay kumakain sa kanilang bahay.

“Thank you sa dalawang pinsan ko na tumulong sakin magpakain Sa mga cats ko☺️☺️ sleep pa kasi anak ko😅😅😅😅” saad ni Corazon sa kaniyang post.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ikinuwento ni Corazon ang karanasan sa pagkakaroon ng maraming pusa sa kanilang bahay.

“Masaya po magkaroon ng mga pusa sa bahay. Mayroon din po akong dalawang aso. Nakakawala po sila ng stress. Awa naman po ng Diyos, kahit magastos po, di po kami kinakapos sa mga needs nila ng food.”

Nagsimula lang umanong mag-alaga ng pusa si Corazon noong magkaanak siya. 2014 noon. Pero natural na raw sa pamilya nila ang maging mapagmahal hindi lang sa pusa kundi pati sa mga aso. Sa katunayan, may alaga rin daw pusa ang dalawang tita niya.

“Natural na po samin ang mapamahal sa mga cat and dog. Kahit ano pa pong animals siguro. Lahat naman po sila may karapatang mahalin.”

May mensahe rin umano si Corazon sa kaniyang mga kapuwa fur parents:

“Sana ipagpatuloy lang po natin ang pagmamahal sa mga alaga natin or sa kahit na stray pa sila. Di man natin sila ma-adopt lahat or di man natin mapakain silang lahat lalo na yung stray, sana wag na lang po natin silang saktan.”

Previous Post

Alex Gonzaga, ‘inaangkin’ ang anak ni Toni

Next Post

‘Dramatic view’ ng Jupiter at lo, napitikan ng NASA

Next Post
‘Dramatic view’ ng Jupiter at lo, napitikan ng NASA

‘Dramatic view’ ng Jupiter at lo, napitikan ng NASA

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.