• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sweater ni Princess Diana, pina-auction sa halagang $1.1M

MJ Salcedo by MJ Salcedo
September 16, 2023
in Balita, Daigdig, Features
0

Photo courtesy: Daniel LEAL / AFP via MB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naibenta sa halagang $1.1 milyon sa isang online auction ang iconic “Black Sheep” sweater na isinuot umano ni Princess Diana ilang sandali matapos ang kaniyang engagement kay Prince Charles.

Sa ulat ng Agence-France Presse, ang naturang “Black Sheep” sweater ay naging isa sa “most emblematic articles of clothing” na isinuot ni Princess Diana, kung saan tila pagbabalik-tanaw umano ito sa kaniyang paglalakbay bilang miyembro ng British royal family.

Bilang isang iconic sweater, lumabas din umano ito sa ikaapat na season ng Netflix drama na “The Crown,” na nagsalaysay sa kamakailang kasaysayan ng House of Windsor.

Samantala, ayon sa Sotheby’s, umabot sa $1.1 milyon ang halaga ng sweater pagkatapos ng matinding labanan ng mga bidder sa internet.

Ang naturang halaga ay mataas umano nang mahigit sampung beses kumpara sa paunang pagtataya ng Sotheby’s na nasa pagitan ng $50,000 hanggang $80,000.

Dahil sa matinding pag-bid sa internet, pinalawig ng auction house ang pagbebenta ng sweater, kung saan umakyat ang presyo nito mula $190,000 hanggang $1.1 milyon sa huling 15 minuto.

Inihayag din ng Sotheby’s na ang nasabing sweater ang pinakamataas na presyong binayaran sa auction para sa isang kasuotan na pagmamay-ari ni Princess Diana. Ito rin umano ang “most valuable sweater” na ibinenta sa auction.

Tags: princess diana
Previous Post

Netizens, may napansin sa 1 month old baby ni Kris Bernal

Next Post

Isabelle Daza, napa-’wow’ hinggil sa fundraising para kay Elvie Vergara

Next Post
Isabelle Daza, napa-’wow’ hinggil sa fundraising para kay Elvie Vergara

Isabelle Daza, napa-’wow’ hinggil sa fundraising para kay Elvie Vergara

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.