• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Hiyang sa stress, alagang Julia?’ Coco lalong yuma-yummy

Richard de Leon by Richard de Leon
September 10, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Hiyang sa stress, alagang Julia?’ Coco lalong yuma-yummy

Photo courtesy: ABS-CBN News/YT

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Napansin daw ng mga netizen na parang hindi naha-haggard at fresh na fresh pa rin ang direktor at bida ng “FPJ’s Batang Quiapo” na si Coco Martin, nang humarap ito sa panayam ni ABS-CBN News showbiz reporter MJ Felipe kamakailan, habang nasa airport ito patungong Italy para sa “ASAP Natin ‘To in Milan.”

Nabanggit ni Coco na sa totoo lang daw, na-stress at napapagod na siya sa ginagawa niya, aba’y siya nga lamang naman ngayon ang direktor na, writer, at bida pa sa isang seryeng pang-Primetime na kailangang makapag-produce kaagad ng mga eksena dahil limang beses sa isang linggo ang airing nito.

Plus, malaking pressure din kay Coco dahil bukod sa malalaking artista ang kasama niya, isa rin ang serye nila sa mga palabas na tinututukan sa Kapamilya Network.

Hindi nga raw alam ni Coco kung saan siya humuhugot ng lakas at ideya, dahil kapag nasa set na siya at nagdidirehe na, kusa na lang bumabalong ang mga ideya at daloy ng kuwento sa kaniyang isipan.

Ang estilo kasi ni Coco, walang script-script at on the spot mag-isip ng mga diyalogo at eksena. Hinahayaan daw niya ang mga aktor at aktres niya na mag-isip ng mga linya, basta ibibigay niya kung ano ang gusto niyang makita.

Pero naniniwala ang direktor-aktor na bukod sa Poong Maykapal, ginagabayan din siya ng pumanaw na si Da King Fernando Poe, Jr.

Anyway, marami naman ang nakakapansing tila hindi naman daw halata sa hitsura ni Coco ngayon ang sinasabi niyang stress na siya.

Tila mas lalo raw itong pumopogi at yuma-yummy!

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

“Mukhang masarap nga lagi hahaha.”

“Ang galing mag-alaga ni Julia hahaha.”

“Oo nga mas lalo siyang gumuguwapo hahaha.”

“Kahit ginugulpi gwapo pa din yan lalo ngayon hahaha.”

“Sarap hahahaha.”

“Grabe biglang pumogi lalo si Coco hahahaha.”

“Suwerte sila ni Julia sa isa’t isa.”

“Siyempre need niya magpa-pogi kasi may Lovi na siya, may Ivana pa!”

Speaking of Ivana, nawindang ang mga netizen sa pasabog na 7-minute trailer sa bagong yugto ng serye dahil may “higupan scene” pala sila rito ni Ivana.

 

Tags: coco martinFPJ's Batang QuiapoJulia Montes
Previous Post

Magnitude 6.0 na lindol, tumama malapit sa isla ng Indonesia

Next Post

‘It’s Showtime staff’, nakatanggap ng maagang pamasko kay Vice Ganda

Next Post
‘It’s Showtime staff’, nakatanggap ng maagang pamasko kay Vice Ganda

‘It’s Showtime staff’, nakatanggap ng maagang pamasko kay Vice Ganda

Broom Broom Balita

  • Number coding, kinansela ng MMDA sa Dec. 8
  • 4 cases ng ‘walking pneumonia’ sa Pilipinas, kinumpirma ng DOH
  • House reso, inilabas upang kondenahin illegal actions ng China sa WPS
  • DOH: Wala pang reklamo sa pagkakasibak ng 80,000 barangay health workers
  • Libreng HIV testing sa QC Hall, hanggang Dis. 7 na lang
Number coding scheme, suspendido muna — MMDA

Number coding, kinansela ng MMDA sa Dec. 8

December 7, 2023
Unang kaso ng B.1.1.318 variant sa PH, naitala

4 cases ng ‘walking pneumonia’ sa Pilipinas, kinumpirma ng DOH

December 7, 2023
House reso, inilabas upang kondenahin illegal actions ng China sa WPS

House reso, inilabas upang kondenahin illegal actions ng China sa WPS

December 7, 2023
DOH: Wala pang reklamo sa pagkakasibak ng 80,000 barangay health workers

DOH: Wala pang reklamo sa pagkakasibak ng 80,000 barangay health workers

December 6, 2023
Libreng HIV testing sa QC Hall, hanggang Dis. 7 na lang

Libreng HIV testing sa QC Hall, hanggang Dis. 7 na lang

December 6, 2023
France, ‘ready’ na sumali sa maritime patrols sa WPS

Kasama Pilipinas: France ‘ready’ na sa ilulunsad na joint sea, air patrols sa WPS

December 6, 2023
Daniel, insecure kay Alden?

Daniel, insecure kay Alden?

December 6, 2023
Piolo Pascual, posibleng tanghaling ‘Best Actor’ sa MMFF 2023?

Piolo Pascual, posibleng tanghaling ‘Best Actor’ sa MMFF 2023?

December 6, 2023
Xian Gaza, sinagot ina ni Andrea

Xian Gaza, sinagot ina ni Andrea

December 6, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng 5.1-magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 5.1-magnitude na lindol

December 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.