Lumabas na ang official trailer ng bagong yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo” na mapapanood sa opisyal na Facebook page ng Dreamscape Entertainment nitong araw ng Sabado, Setyembre 9.
Dito ay makikita na ang ilang mga eksenang dapat abangan sa serye, na iikot sa magiging buhay ni Tanggol (Coco Martin) sa kulungan.
“Sa pagsisimula ng BAGONG YUGTO, babaligtad ang kanilang mga MUNDO! đ„,” saad sa caption.
“Sa loob ng kulungan, mas titindi ang kanyang LABAN đđ» Mababawi pa ba ang pag-ibig na pinakawalan?”
Pasok na rin sa serye ang nagbabalik-Kapamilyang si Jaclyn Jose, at ang sinasabing bagong “babae” sa buhay ni Tanggol na isasabuhay ni Ivana Alawi, kung saan pinag-usapan ang kanilang “higupan scene.”
Sa panayam naman ni MJ Felipe via TV Patrol at ABS-CBN News kay Coco, sinabi ng aktor na kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa kanilang serye, lalo’t ipinakita na nila sa mga tao kung ano ang aasahan sa mga susunod na takbo ng pangyayari.
Natanong ni Felipe ang direktor-aktor kung hindi ba siya nauubusan ng mga ideya?
“Honestly, wala akong alam sa paggawa ng mga teleserye, pagsusulat… hindi ko rin alam kung paano nangyayari lahat. Kapag nasa creative (team) ako, honestly sinasabi ko pagod na pagod na ‘ko… hindi ko alam kung kaya ko pa, pero ‘pag naro’n na ‘ko, nagsisimula na ‘kong magsalita, hindi ko alam kung saan nanggagaling yung ideas, yung mga sinasabi ko, yung mga kuwentong ikinukuwento namin, hindi ko alam…”
Kaya pakiramdam daw ni Coco, bukod sa paggabay ng Diyos ay ginagabayan din siya ng yumaong Da King na si Fernando Poe, Jr. na siyang bumida sa pinaghanguan nitong pelikulang “Batang Quiapo.”
“Guidance ni God, and then sabi ko siguro… naniniwala ako na nariyan si FPJ para i-guide ako talaga…”
Matatandaang sinabi ng isa sa mga cast na si Janice Jurado na dumarating sa puntong tila nakikita raw niya si FPJ kay Coco. Para nga daw sinasabing ng tinaguriang “King of Philippine Cinema” ang kaniyang successor.
Janice Jurado ikinuwento reaksiyon ni FPJ nang malamang talo sa eleksyon