• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Netizens may hugot sa paglampaso ng Gilas sa koponan ng China

Richard de Leon by Richard de Leon
September 3, 2023
in Balita, Sports
0
Netizens may hugot sa paglampaso ng Gilas sa koponan ng China

Photo courtesy: MB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagbunyi hindi lamang ang basketball fans kundi ang sambayanang Pilipino sa pagkapanalo ng koponang “Gilas Pilipinas” laban sa koponan ng China, sa naganap na 2023 FIBA Basketball World Cup na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Sabado, Setyembre 2.

Panalo ang Gilas sa score na 96-75, at ang nanguna sa koponan ng Pilipinas ay si Jordan Clarkson na nakapuntos ng 34.

Nagpaulan si Clarkson ng limang three-point shots at pumuntos ng 24 sa third quarter lamang ng laro, dahilan kaya’t nakabuo ang Gilas ng 22-point lead kontra China, 73-51.

Sa pagpasok ng 4th quarter, napanatili ng Gilas ang kanilang lamang at natapos nga ang laban sa final score na 96-75.

Dahil sa naturang pagkapanalo kontra China, may pagkakataon pa ang Gilas na makasungkit ng ticket sa 2024 Paris Olympics sa pamamagitan ng FIBA Olympic Qualifying Tournament (FOQT).

Matapos ngang manalo ng Gilas sa kauna-unahang pagkakataon at nagkataong China pa ang nakalaban, hindi naman naiwasan ng netizens na maiugnay ito sa hidwaan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Anang mga Pinoy, kahit man lang daw sa basketball ay maipanalo ng Pilipinas ang laban kontra China.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

“Finally, the much awaited win. Congrats Phil. Team!”

“Kaya naman palang manalo ng Pinas over China! Congrats!”

“Symbolic ba ito? Paano naman sa West PH sea?”

“We might have failed defending WPS but winning against them is clearly a statement! Proud Pinoy!”

“Pinakamasarap at importanteng panalo, Congratulations!”

“Nakakatuwa na ang natalo ng Pinas ay China. Ang saya sa pakiramdam. Sweet victory!”

“Nakaganti rin tayo sa China yuhuuu!!!”

Samantala, naispatan din sa nabanggit na laban ang ilang mga senador gaya nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Sen. Joel Villanueva, at Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na labis na nagbunyi dahil sa panalo ng Gilas Pilipinas.

MAKI-BALITA: Gilas Pilipinas, tinambakan ang China

Tags: 2023 FIBA Basketball World CupchinaGilas Pilipinas
Previous Post

‘Hanna’ bahagyang lumakas; Signal No. 1 itinaas sa Batanes, northern Babuyan Islands

Next Post

Mariah Carey may mensahe sa mga Pinoy sa pagpasok ng Ber month

Next Post
Mariah Carey may mensahe sa mga Pinoy sa pagpasok ng Ber month

Mariah Carey may mensahe sa mga Pinoy sa pagpasok ng Ber month

Broom Broom Balita

  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
  • ₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga
  • ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

September 28, 2023
Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’

Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.