• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Dwight Ramos ‘nagpapadribol’ sa puso ng basketball fans

Richard de Leon by Richard de Leon
September 2, 2023
in Balita, Showbiz atbp., Sports
0
Dwight Ramos ‘nagpapadribol’ sa puso ng basketball fans

Photo courtesy: MB/Bobby Ray Parks, Jr's IG

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mukhang may “Apple of the Eye” ang kababaihan, sangkabekihan at basketball fans sa koponang “Gilas Pilipinas”— walang iba kundi ang basketball cutie na si “Dwight Ramos.”

Viral sa social media si Dwight ngayong Sabado, Setyembre 2, ang mga larawan ni Dwight habang sumasakay sa isang inupahang motorsiklo sa kinuhang transportation and ride-hailing app. 25th birthday rin pala ni Dwight ayon sa post ni Bobby Ray Parks, Jr.

Batay sa comment section, tila maraming gusto na lang maging rider, helmet, o kaya motorsiklo!

Sa galing, tindig at karisma ay talaga namang daw hindi kataka-takang maraming kinikilig ngayon kay Dwight. Sino nga ba si Dwight Ramos?

Bago pa man siya sumabak sa 2023 FIBA Basketball World Cup at tawaging “Saint Dwight,” ang Filipino-American professional basketball player ng Levanga Hokkaido para sa Japanese B.League. Siya rin ay sumikat sa college basketball ng Ateneo Blue Eagles para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

American citizen si Dwight dahil isinilang siya noong Setyembre 2, 1998 sa West Covina, California, USA ng kaniyang mga magulang na sina Artemio Ramos na tubong Ilocos Sur at Liliya Ramos mula naman sa bansang Russia. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid.

Ayon kay Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes, pangalawa si Dwight sa “best-scorer” ng koponan, susunod kay Jordan Clarkson.

Mula mismo kay Coach Chot, si Dwight daw ay isang “total package.”

“He’s a great complement to Jordan and it’s not only his scoring but everything he does, the way he defends and rebounds, everything, makes him a complete package,” ani Chot sa isang panayam.

Kaya naman hindi masisisi ang mga tao kung bakit kinakikiligan ngayon si Dwight, dahil sa angking-husay na nga sa basketball, hindi naman kasi talaga maitatanggi ang kaniyang good looks at charm.

Pero sorry na lang sa mga “nagpapantasya” kay Saint Dwight dahil in a relationship na siya kay volleyball star Kianna Dy!

“Happy birthday, Saint Dwight! Love you to the moon vroom vroom skrrt skrrt zoom zoom,” ayon pa sa pagbati ni Kianna kay Dwight sa kaarawan nito noong nakaraang taon.

Nagdiwang din sila ng 2nd anniversary noong Hunyo.

View this post on Instagram

A post shared by Kim Kianna Dy (@kiannady)

Tags: Dwight RamosGilas PilipinasSaint Dwight
Previous Post

₱7.8M sigarilyo, nakumpiska sa anti-smuggling op sa South Cotabato

Next Post

DepEd, naghahanda na para sa National Teachers’ Month

Next Post
DepEd, naghahanda na para sa National Teachers’ Month

DepEd, naghahanda na para sa National Teachers’ Month

Broom Broom Balita

  • 2 Singaporean, nahulihan ng ₱76M cocaine sa NAIA
  • LRT-1, may dagdag-biyahe simula na sa Oktubre 1
  • Pangamba ng publiko hinggil sa Nipah virus, pinawi ng DOH
  • Paano makakaiwas sa Nipah virus?
  • Netizens kinabahan sa ‘You have earned your rest mama ko’ ni Kakie kay Shawie
2 Singaporean, nahulihan ng ₱76M cocaine sa NAIA

2 Singaporean, nahulihan ng ₱76M cocaine sa NAIA

September 28, 2023
Operasyon ng LRT-1, suspendido sa Enero 30

LRT-1, may dagdag-biyahe simula na sa Oktubre 1

September 28, 2023
Pangamba ng publiko hinggil sa Nipah virus, pinawi ng DOH

Pangamba ng publiko hinggil sa Nipah virus, pinawi ng DOH

September 28, 2023
Paano makakaiwas sa Nipah virus?

Paano makakaiwas sa Nipah virus?

September 28, 2023
Netizens kinabahan sa ‘You have earned your rest mama ko’ ni Kakie kay Shawie

Netizens kinabahan sa ‘You have earned your rest mama ko’ ni Kakie kay Shawie

September 28, 2023
Lala Sotto, may sagot sa panawagang ‘Lala resign’

Lala Sotto, may sagot sa panawagang ‘Lala resign’

September 28, 2023
Taal Volcano, bahagyang kumalma

Taal Volcano, bahagyang kumalma

September 28, 2023
Kakie kay Shawie: ”You have earned your rest, mama ko’

Kakie kay Shawie: ”You have earned your rest, mama ko’

September 28, 2023
‘Shopping galore!’ DJ Chacha naloka sa 60+unknown transactions sa credit card

‘Shopping galore!’ DJ Chacha naloka sa 60+unknown transactions sa credit card

September 28, 2023
#LalaResign trending sa X matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng “It’s Showtime”

#LalaResign trending sa X matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng “It’s Showtime”

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.