Matapos matalo ang Iran nitong nakaraang araw, nabigo naman ang Gilas Pilipinas matapos padapain ng Senegal, 72-64, sa Heyuan WUS International Basketball Tournament sa Jiangman En Ping Sport Gymnasium, Guandong, China nitong Biyernes ng gabi.
Huling nakatikim ng bentahe ang Gilas, 57-55, matapos ang magkasunod na buslo ni AJ Edu.
Sa fourth quarter, umabante nang malaki ang Senegal, 70-61, matapos magpakawala ng 15 puntos laban sa apat na puntos ng National team.
Naglaro ang Gilas sa kabila ng pagkawala nina NBA player Jordan Clarkson at 7’3″ Kai Sotto.