• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Darryl Yap nag-react sa post ni Elizabeth Oropesa

Richard de Leon by Richard de Leon
July 27, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Darryl Yap nag-react sa post ni Elizabeth Oropesa

Darryl Yap at Elizabeth Oropesa (Photo courtesy: Darryl Yap's FB/Balita)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ng “Maid in Malacañang” at “Martyr or Murderer” director-writer na si Darryl Yap ang kontrobersyal na Facebook post ng premyadong aktres na si Elizabeth Oropesa, matapos niyang ipaliwanag ang kaniyang panig tungkol sa paglalabas ng video para kay “Sir,” at pagsasabing hindi na siya isang Marcos loyalist.

Si Elizabeth, ay isa sa mga artistang nagpahayag ng pagsuporta sa kandidatura ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong nagdaang kampanya, at hayagang tagasuporta at loyalista ng pamilya Marcos.

Isa rin si Elizabeth sa mga artistang gumanap sa MiM bilang mga kasambahay (Beverly Salviejo at Karla Estrada) na siyang nakasaksi sa naging galawan ng pamilya Marcos sa loob ng Palasyo, ilang araw bago sila umalis at lumipad sa ibang bansa dahil sa EDSA People Power I Revolution.

Aniya sa kaniyang FB post, “Dear Sir, kinatay na ang pagkatao ko ng mga kapwa ko loyalist ‘kuno’ dahil lang sa pagtawag ko ng pansin mo. Magalang po ako. Galing sa puso ang pakiusap at pagtatanong ko. Pero hindi nila nakita yun. Bashing pa rin ang napala ko.”

“Hindi ako takot sa kanila. Matapang lang sa Social Media. Mga duwag naman sa personal at walang kwentang tao. Sa tingin ninyo totoo ninyo silang kakampi?”

“Hindi po ako nag-iisa. Ako lang palagi ang nauuna. Katulad ng panahong ipinagtanggol ko ang iyong Ama at pamilya. Saka lang susunod ang iba. Ang loyalty po ng katulad ko ay HINDI NABIBILI.”

Sa bandang dulo ng kaniyang post, tila sinabi ni Elizabeth na hindi na siya Marcos loyalist.

“Hayaan n’yo po. Husto na ako. Hindi naman kayo Dios. Hindi nakasalalay sa inyo ang kaluluwa ko.”

“Gumagalang pa rin,

“Hindi na Marcos Loyalist,”

“Elizabeth Oropesa.”

Ibinahagi naman ito ni Yap sa kaniyang Facebook post at saka kinomentuhan, “kapal ng mukha ng mga kakamkam. mga yuck.”

Hindi naman inelabora ng direktor kung anong ibig niyang sabihin sa kaniyang post.

Tags: Darryl YapElizabeth Oropesa
Previous Post

Binabantayang LPA ganap nang bagyo, posibleng pumasok ng PAR sa Hulyo 29 o 30

Next Post

Joseph Marco, umani ng papuri matapos sagipin ang may sakit na pusa

Next Post
Joseph Marco, umani ng papuri matapos sagipin ang may sakit na pusa

Joseph Marco, umani ng papuri matapos sagipin ang may sakit na pusa

Broom Broom Balita

  • ‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists
  • Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres
  • Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo
  • Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya
  • Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?
‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

December 10, 2023
Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

December 10, 2023
Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

December 10, 2023
Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

December 10, 2023
Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

December 10, 2023
Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

December 10, 2023
Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

December 10, 2023
5.1-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Sur

5.1-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Sur

December 10, 2023
Katawan ng construction worker, nahati dahil sa backhoe

Katawan ng construction worker, nahati dahil sa backhoe

December 9, 2023
Walang nanalo: Jackpot sa lotto, ₱206.1M na!

Maagang pamasko! ₱16.6M jackpot sa lotto, kukubrahin ng solo winner

December 9, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.