• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Claudine Barretto kay Katrina Paula: ‘Thank you for telling the truth!’

Richard de Leon by Richard de Leon
July 13, 2023
in Balita Archive
0
Claudine Barretto kay Katrina Paula: ‘Thank you for telling the truth!’

Claudine Barretto, Katrina Paula, Rico Yan, at Sabrina M (Photo courtesy: Claudine Barretto's IG/MB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagpasalamat ang tinaguriang “Optimum Star” na si Claudine Barretto sa dating sexy actress na si Katrina Paula matapos umano nitong sabihin ang isang “katotohanan.”

Bagama’t walang direktang banggit, naniniwala ang mga netizen na patungkol ito sa naging pasabog kamakailan ng dating sexy star na si Sabrina M, na naging ex-boyfriend nito ang yumaong Kapamilya actor na si Rico Yan.

Nitong Miyerkules, Hulyo 12, diretsahang pinasinungalingan ni Katrina ang mga naging claim ng kaibigang si Sabrina, sa programang “Cristy Ferminute.”

“Nay, wala. Walang relasyong naganap sa kanila. Baka nagkatikiman sila pero yung relasyon, hindi ko alam kung saan nanggaling,” diretsahang sagot ni Katrina.

‘Baka nagkatikiman lang!’ Sabrina M hindi naging ex si Rico Yan, sey ni Katrina Paula

Naungkat pa ni Cristy ang isang pangyayaring nagkasama-sama sila ng tatlong magkakaibigang sina Rico, Marvin Agustin, at Dominic Ochoa (na nakilala noon bilang Whattamen) sa Clark, Pampanga.

Dito ay sinabi ni Katrina na walang namagitan sa pagitan nina Rico at Sabrina. Inilarawan pa ni Katrina si Rico bilang mabait at marespetong lalaki.

Nabanggit din ni Cristy na noong burol at libing ni Rico, ni anino ni Sabrina ay wala silang nakita. Taliwas ito sa mga naging claim ni Sabrina na nagpunta siya sa burol at libing ng aktor subalit tahimik lamang siya. Isa pa, ang alam nilang magka-live in noon ay sina Rico at Claudine.

Sey naman ni Katrina, nagpunta naman sila sa burol subalit hindi sila nakita ni Cristy.

Hindi raw alam ni Katrina kung saan galing ang mga nasabi ni Sabrina M na dalawa’t kalahating taon daw silang naging mag-jowa ni Rico.

Sa pagkakakilala raw ni Cristy kay Sabrina, ipagmamalaki nito ang relasyon nila ni Rico at hindi ito maitatago, kung talagang totoong mayroon man.

Muling giit pa ni Cristy kay Katrina, “Minsan lang ba nasabi ba sa’yo ni Sabrina na naging magkarelasyon sila ni Rico?”

“Oo, nasabi niya sa akin ‘yon, pero walang relasyon na matagal. Siguro nga nagkatikiman sila pero walang relasyon.”

Sa kaniyang Instagram, nagpahayag ng appreciation post si Claudine para kay Katrina.

“Appreciation post. I want to thank @realkatrinapaula for telling the TRUTH! Divine intervention (ginamit) ni God at Rico,” aniya.

“I really found a new friend/sister. Thank you so much in behalf ng #rycbforever. I’m happy that this is (the) start of a new friendship & sisterhood sobra sobrang SALAMAT!🙏 for clearing the names of both RICO. #RYCB & #claudiniansforever. #claudinian @realkatrinapaula.”

“Palanggas pls follow Katrina Paula sa IG @realkatrinapaula pasalamat tayo sa kay Katrina. Pls thank her for standing up for Rico’s name pati ako. My palanggas magpasalamat tayo.”

View this post on Instagram

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)

Magkasama sina Claudine at Katrina sa pelikulang “Loyalista” kaya nakapagkuwentuhan sila.

Nabanggit naman ni Ogie Diaz na tila balak daw magdemanda ni Claudine laban kay Sabrina matapos umano siyang idamay sa naging ispluk nito.

Claudine nabuwisit, balak daw magdemanda laban kay Sabrina M?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo ni Sabrina tungkol dito.

Tags: claudine barrettoKatrina PaulaRico YanSabrina M
Previous Post

‘Sining o blasphemy?’ Drag queen Pura Luka Vega binatikos dahil sa ‘Ama Namin’

Next Post

Pura Luka Vega may paliwanag sa kontrobersyal na ‘Ama Namin’ remix sa drag performance

Next Post
Pura Luka Vega may paliwanag sa kontrobersyal na ‘Ama Namin’ remix sa drag performance

Pura Luka Vega may paliwanag sa kontrobersyal na 'Ama Namin' remix sa drag performance

Broom Broom Balita

  • Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar
  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar

Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Eastern Samar

September 29, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.