• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’

Richard de Leon by Richard de Leon
June 10, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’

Mga larawan mula sa FB ni Karla Estrada

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ipinagmalaki ng “Face 2 Face” host na si Karla Estrada na isa na siyang army reservist, batay sa kaniyang Facebook posts.

“Signified to join the Philippine Army as a Reservist,” caption ni Karla sa kaniyang social media post, kalakip ang litrato kung saan makikita sa kaniyang likuran na tila nasa opisina siya ng “Office of the Assistant Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs” ng Philippine Army,” habang hawak niya ang isang itim na statement shirt, kung saan mababasa ang pahayag na “Army reserve citizen responder in war & disaster for the Filipino I volunteer.”

May text caption pa itong “Hindi ako basta mamshie! Philippine Army reservist soon! Para sa Bayan kong mahal!”

Pinasalamatan ni Karla si Senador Robin Padilla sa pag-assist sa kaniya upang maging isang army reservist.

“Maraming salamat SENATOR Robin Padilla for all the assistance. MABUHAY KA,” pasasalamat niya sa kaniyang Facebook post.

Sa kaniyang Instagram post, humingi ng paumanhin si Karla matapos niyang gamitin ang “NPA hymn” sa kaniyang naunang post sa reel, ang “Bagong Hukbong Bayan.”

“Magandang Araw po sa inyong lahat. Ang mensahe ko pong ito ay patungkol sa musikang nakalapat sa isa sa aking video reel na ipinost ko sa aking social media accounts na akin ng binura agad. Ito po yy tungkol sa aking intensyon na maging isang Philippine Army Reservist.”

“Ako po ay hindi aware na ang nasabing musika na nailapat sa aking video reel ay isa palang awitin umano na tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan.”

“Ako po ay taos pusong humihingi ng paumanhin sa Philippine Army at sa lahat ng taong nasaktan o naapektuhan ng nasabing video reel. Hindi ko po sinadya o intensyon na ilapat sa aking video ang nasabing musika at wala din po sa aking kamalayan kung ano ang kinakatawan o mensaheng nilalaman nito.”

“Nais ko pong ipabatid sa lahat na ang tanging layunin ng aking pagpapalista sa hanay ng Philippine Army bilang Reservist ay upang makapaglingkod sa bawat Pilipino at sa bansang Pilipinas sa abot ng aking kakayanan.”

“Muli, humihingi po ako ng paumanhin. Salamat po.”

Tags: karla estradaPhilippine Army reservist
Previous Post

4 batang nawala sa loob ng 40 araw sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

Next Post

Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

Next Post
Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.