• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Dating ‘Yorme’ Isko nag-host sa Eat Bulaga; Paolo Contis, may mensahe sa bashers

Richard de Leon by Richard de Leon
June 10, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Dating ‘Yorme’ Isko nag-host sa Eat Bulaga; Paolo Contis, may mensahe sa bashers

dating Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso at Paolo Contis

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Si dating Manila City Mayor “Yorme” Isko Moreno Domagoso ang latest guest co-host ng bagong “Eat Bulaga” na napapanood pa rin sa GMA Network, sa episode ng noontime show ngayong Sabado, Hunyo 10.

Sa bandang dulo naman ng programa, naging emosyonal ang isa sa mga host na si Paolo Contis, nang magbigay ng mensahe para sa bashers nila.

Simula kasi nang umere nang live ang programa noong Hunyo 5, hindi na sila tinantanan ng bashing, lalo na sa mga solid Dabarkads fans na nasanay na sa TVJ, JoWaPao, at iba pang dating hosts.

Ayon kay Paolo, nakikiusap siya sa bashers at haters nila na huwag nang idamay sa bashing ang production team sa likod ng EB.

“Yung bashing sa amin, mga mura, pag-aalipusta sa amin, inspirasyon po namin ‘yan. Binabasa namin lahat ‘yan. Pero yung mga magagandang comments, nababasa rin namin ‘yan. Kaya maraming-maraming salamat sa inyo,” anang Paolo.

“Bukod sa mga televiewers, ang inspirasyon namin ay yung mga Dabarkads dito sa studio. Yung mga nasa likod ng camera, yung mga staff, writers, yung crew, lahat po sila ay inspirasyon namin.

“Umaga hanggang gabi nagtatrabaho na sila para pagdating namin dito sa studio, masaya kayo at alam na namin ang gagawin namin. Sila ang dahilan kung bakit alam namin ang ginagawa namin.”

Nakikiusap si Paolo na huwag nang idamay ang staff, crew, writers, at lahat nang nasa likod ng camera dahil ito raw ang kanilang kabuhayan. Hindi raw nila deserve ang bashing na natatanggap nila ngayon.

“Masakit sa akin pag bina-bash n’yo sila. Ako sanay ako d’yan: breakfast, lunch at dinner. We will do our best para maging masaya kayo. Sana ay huwag na ninyong idamay yung staff at yung crew. They don’t deserve it. Maybe I do. But they don’t,” pakiusap ni Paolo.

Samantala, hindi pa tiyak kung maisasakatuparan ba ang sinabi ni Tito Sotto III na sa kanilang pagbabalik-telebisyon sa TV5, bitbit pa rin nila ang program title na “Eat Bulaga.”

MAKI-BALITA: ‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

Kung mangyayari iyon, magiging dalawa ang Eat Bulaga sa noontime. Nakakaloka, ‘di ba?

Batay sa “BaliTaktakan” na isinagawa ng Balita, mas maraming sumagot na susuporta sila sa Eat Bulaga ng TVJ at original hosts sa TV5.

 

Tags: bashersEat BulagaIsko Moreno DomagosoPaolo Contisproduction teamYorme
Previous Post

PBBM, pinaalalahanan mga residente sa Albay na sumunod sa evacuation instructions ng LGU

Next Post

Mavy Legaspi, apektado ba sa bashing na natatanggap ng new EB hosts?

Next Post
Mavy Legaspi, apektado ba sa bashing na natatanggap ng new EB hosts?

Mavy Legaspi, apektado ba sa bashing na natatanggap ng new EB hosts?

Broom Broom Balita

  • Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA
  • PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians
  • Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon
  • Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds
  • ₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022
Auto Draft

Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA

September 26, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians

September 26, 2023
Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

September 26, 2023
Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

September 26, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

September 26, 2023
It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

September 26, 2023
Melai, balak iparehab ang dalawang anak

Melai, balak iparehab ang dalawang anak

September 26, 2023
Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’

Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’

September 26, 2023
‘My heart is shattered!’ Gab Valenciano, nagluksa sa pagpanaw ng kaniyang aso

‘My heart is shattered!’ Gab Valenciano, nagluksa sa pagpanaw ng kaniyang aso

September 26, 2023
Lacuna sa kaniyang unang SOCA: ‘Dito sa Maynila, walang iniiwan’

Lacuna: 150 Manilenyo, may sariling lupa na!

September 26, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.