• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Bulacan, naka-alerto na vs dengue ngayong tag-ulan

Balita Online by Balita Online
June 10, 2023
in Balita, National / Metro
0
Health official ng GenSan, nilinaw na walang dengue outbreak sa lungsod

Unsplash

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dahil opisyal nang sumapit ang tag-ulan, pinaigting ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan nitong Sabado, Hunyo 10, ang mga hakbang upang makontrol, kung hindi man tuluyang mapuksa, ang dengue sa lalawigan.

Sa inilabas na ulat kamakailan ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), nakapagtala ang lalawigan ng kabuuang 1,290 hinihinalang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Mayo 27, na mas mababa ng 41 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Gayunpaman, anim na namatay na may kaugnayan sa dengue ang naitala.

Limang bayan at lungsod ang natukoy na may mga barangay na nagkaroon ng apat o higit pang kaso ng dengue sa loob ng nakaraang dalawang linggo.

Kabilang dito ang mga Barangay Kaypian, Muzon at Sto. Cristo sa San Jose Del Monte City; Barangay Lambakin at Nagbalon ng bayan ng Marilao; Barangay Lawa at Pandayan ng Meycauayan City; Barangay Poblacion ng bayan ng Pandi; at Barangay San Mateo ng bayan ng Norzagaray

Ang mga apektadong hanay ng edad ng mga sakit ay isa hanggang 85 taong-gulang, ngunit karamihan sa mga kaso ay kabilang sa mga nasa edad isa hanggang 10 taong gulang, na 46 porsiyento ng kabuuang mga kaso.

Kasabay nito, nilagdaan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang Memorandum DRF-03242023-121 tungkol sa “Awareness of Dengue Prevention and Control,” na tinutugunan ang 24 na alkalde na pag-ibayuhin at palakasin ang pagpapatupad ng Barangay Dengue Task Force.

Pinaalalahanan din ni Fernando ang mga Bulakenyo na gawin ang kanilang bahagi para protektahan ang sarili laban sa banta ng dengue.

Ang pamahalaang panlalawigan ay patuloy din na nagbibigay ng mga dengue chemicals at dengue NS1 kits sa mga lokal na pamahalaan at mga ospital sa mga lungsod at munisipalidad, at sinusuportahan ang fogging at pag-spray upang mapatay ang mga lamok.

Pinayuhan ng Provincial Health Office-Public Health ang publiko na humingi ng maagang konsultasyon sa pinakamalapit na ospital o Rural Health Unit kung sila ay nakakaranas ng lagnat sa loob ng dalawa o higit pang araw.

Ang dengue ay isang sakit na nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng babaeng Aedes Aegypti na lamok na kadalasang nabubuhay at dumarami sa tubig. Sa panahon ng tag-ulan, inaasahang mas maraming breeding site ang mga lamok.

Freddie Velez

 

Tags: bulacandengue
Previous Post

‘SPLENDOR: Juan Luna, Painter as Hero’, bubuksan nang libre sa publiko sa Araw ng Kalayaan

Next Post

P4-M halaga ng shabu, kumpiskado sa Iloilo

Next Post
P4-M halaga ng shabu, kumpiskado sa Iloilo

P4-M halaga ng shabu, kumpiskado sa Iloilo

Broom Broom Balita

  • Rendon, may pa-blind item tungkol sa personalidad na walang supporters
  • Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit
  • Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon
  • JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH
  • ‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists
Rendon, may pa-blind item tungkol sa personalidad na walang supporters

Rendon, may pa-blind item tungkol sa personalidad na walang supporters

December 10, 2023
Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

December 10, 2023
Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon

Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon

December 10, 2023
JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH

JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH

December 10, 2023
‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

December 10, 2023
Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

December 10, 2023
Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

December 10, 2023
Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

December 10, 2023
Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

December 10, 2023
Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

December 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.