• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

Richard de Leon by Richard de Leon
June 8, 2023
in Balita, National / Metro
0
Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

Screengrab mula sa YT Channel ng 24 Oras/GMA News

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon ang balitang may isang online lending application na nagpapadala ng bulaklak o korona ng patay at kabaong sa mga umuutang sa kanila na hindi kaagad nakapagbabayad ng utang batay sa maiksing panahong ibinigay sa kanila.

Batay sa ulat ng “24 Oras” ng GMA News, inireklamo ng isang babaeng nangutang na itinago ang pagkakakilanlan matapos siyang padalhan ng korona ng patay sa kanilang bahay.

Labis na eskandalo raw ang dulot nito sa kaniya gayundin sa kaniyang pamilya.

“Talagang hindi ko na alam ang gagawin ko sobrang pinahiya ako sa amin. Hindi ko alam na ganiyan ang mangyayari sa buhay ko,” maririnig na salaysay niya.

₱5k daw ang inutang niya sa online lending app, pero ₱2,400 lamang ang nakuha niya dahil sa dami ng ikinaltas.

Sa unang beses na hindi raw siya nakapagbayad agad, inalok siya ng lender ng isang linggong extension, ngunit papatungan ito ng ₱2k kaya hindi siya pumayag.

“Sige ha, ganiyan ang tigas ng mukha mo. Sige hintayin mo papadala ko sa’yo,” banta raw ng lender sa kaniya.

“Napahiya po talaga ako. Parang kinikilabutan, hindi ko alam ang gagawin ko umiyak na lang ako. Pinagsisigawan pa kami through cellphone…”

Sinabi pa raw sa kaniya na kung hindi pa siya magbabayad, isusunod nang ipadala sa kaniya ang kabaong.

Isa pang nangutang ang nagreklamong mismong kabaong na raw ang ipinadala sa kaniya ng lending company na nakita niya lamang online. Tumanggi umanong makipanayam ang naturang nagreklamo.

Hinikayat naman ng PNP Anti-Cybercrime Group ang publiko na huwag mahihiyang dumulog at magreklamo sa kanila kung sakaling maka-engkuwentro ng ganitong pagbabanta mula sa online lending apps, o maging sa iba pang nagpapautang.

Tags: coffinkorona ng pataylendeelenderonline lending app
Previous Post

Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

Next Post

Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3

Next Post
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3

Broom Broom Balita

  • PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians
  • Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon
  • Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds
  • ₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022
  • It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians

September 26, 2023
Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

Rudy Fernandez, nainlab kay Lorna Tolentino kahit 7-anyos pa lang noon

September 26, 2023
Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

September 26, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

September 26, 2023
It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

September 26, 2023
Melai, balak iparehab ang dalawang anak

Melai, balak iparehab ang dalawang anak

September 26, 2023
Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’

Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’

September 26, 2023
‘My heart is shattered!’ Gab Valenciano, nagluksa sa pagpanaw ng kaniyang aso

‘My heart is shattered!’ Gab Valenciano, nagluksa sa pagpanaw ng kaniyang aso

September 26, 2023
Lacuna sa kaniyang unang SOCA: ‘Dito sa Maynila, walang iniiwan’

Lacuna: 150 Manilenyo, may sariling lupa na!

September 26, 2023
Cavitex, may taas-singil sa toll fee sa Agosto 21

4th batch ng toll plazas, lalahok na sa dry run ng contactless toll collection

September 26, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.