• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

Richard de Leon by Richard de Leon
June 8, 2023
in Balita, Features
0
Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

Mga larawan mula sa FB ni Benjie Agudera

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hinangaan ang isang merchandiser sa isang supermarket sa Sayre Highway, Valencia City, Bukidnon, matapos niyang isalansan nang maayos ang mga noodles batay sa kulay ng watawat ng Pilipinas, bilang pagpapakita ng suporta sa nalalapit na pagdiriwang ng 125th Philippine Independence Day o Araw ng Kalayaan/Kasarinlan, sa darating na Hunyo 12.

Makikita ang mga larawan nito sa Facebook post ni “Bhen-j Agudera” kung saan kuhang-kuha ang bandila ng Pilipinas batay sa kaniyang pagkakaayos sa estante.

Dahil dito, nakipag-ugnayan pa sa kaniya ang brand ng noodles na ginamit niya para dito.

“Hi, Bhen-j! Salamat sa pagbahagi ng Happy We! moment na ito. Maaari ba naming i-share ang post mo sa aming page para makita rin ng ibang Lucky Me! fans?” komento rito ng brand.

“Yes po!” tuwang-tuwa namang pagpayag ng merchandiser.

Ayon sa panayam ng Balita kay “Benjie Agudera,” hindi ito ang unang beses na nagsalansan siya ng mga noodles batay sa kulay ng Philippine flag. Nagawa na niya ito sa iba pang supermarket kung saan siya na-assign.

Dalawang oras daw ang ginugol niya sa paggawa nito.

“Naisipan ko kasi last year ginawa ko rin po ‘yan sa ibang outlet/grocery na na-assign ako… tinry ko lang po ngayon sa NVM Supermarket kasi malapit na rin yung Independence day,” ani Agudera.

Ibig bang sabihin nito, hindi na puwedeng kuhanan ang estante dahil baka masira?

“Hinahayaan ko lang po sila na kumuha at pag nakaalis na po ang customer saka ko na po nirerefill,” aniya.

Request at panawagan ng netizens, sana raw ay bigyan ng bonus, incentive, o supply ng noodles ng kompanya o supermarket si Agudera dahil sa kaniyang pagka-malikhain at pagkamatiyaga.

—

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

 

Tags: Benjie AguderaIndependence Day CelebrationmerchandiserPhilippine flag
Previous Post

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

Next Post

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Next Post
Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Broom Broom Balita

  • Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds
  • ₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022
  • It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?
  • Melai, balak iparehab ang dalawang anak
  • Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’
Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

Dating spox ni Leni, nagpatutsada kay VP Sara dahil sa confidential funds

September 26, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

September 26, 2023
It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

It’s Showtime hosts maglalaro sa Family Feud 2; Karylle, sasama kaya?

September 26, 2023
Melai, balak iparehab ang dalawang anak

Melai, balak iparehab ang dalawang anak

September 26, 2023
Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’

Hontiveros, dismayado sa OVP hinggil sa ginastang ₱125M confidential fund: ‘Napakagaspang’

September 26, 2023
‘My heart is shattered!’ Gab Valenciano, nagluksa sa pagpanaw ng kaniyang aso

‘My heart is shattered!’ Gab Valenciano, nagluksa sa pagpanaw ng kaniyang aso

September 26, 2023
Lacuna sa kaniyang unang SOCA: ‘Dito sa Maynila, walang iniiwan’

Lacuna: 150 Manilenyo, may sariling lupa na!

September 26, 2023
Cavitex, may taas-singil sa toll fee sa Agosto 21

4th batch ng toll plazas, lalahok na sa dry run ng contactless toll collection

September 26, 2023
Maymay Entrata, thankful sa ‘ASAP Natin ‘To in Milan’

Maymay Entrata, thankful sa ‘ASAP Natin ‘To in Milan’

September 26, 2023
Floating barrier ng China sa Bajo De Masinloc, pinutol ng PCG

Floating barrier ng China sa Bajo De Masinloc, pinutol ng PCG

September 26, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.