Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Negros Occidental nitong Martes ng hatinggabi, Hunyo 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:10 ng hatinggabi.
Namataan ang epicenter nito 35 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng City of Sipalay, Negros Occidental, na may lalim na 27 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa City of Sipalay, Negros Occidental.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.