• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

Richard de Leon by Richard de Leon
June 6, 2023
in Balita, Features
0
Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

Screengrab mula sa FB ni Charlene Prado

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagdulot ng katatawanan sa social media ang ibinahaging video ni Charlene Prado mula sa Tagum City, Davao del Norte na nagpapakita ng dalawang tray ng balut na kanilang binili upang sila na mismo ang maglaga at lantakan ito.

Makikitang pag-angat nila sa isang tray, tumambad sa kanilang harapan ang ilang mga maliliit na itik na napisa na mula sa itlog ng balut na kanilang binili.

“Gusto lang man unta mi magluto ug Balut,” caption ni Charlene sa kaniyang Facebook post na nagpapakita ng kaniyang video.

Ayon sa panayam ng Balita kay Charlene, lumipas muna ang 13 araw bago nila napagtuunan ng atensyon na kunin ang mga balut sa tray nito upang magluto ng ilan.

Nang hawak na nila ang mga tray, narinig na nila ang ingay mula sa ilalim na tray.

Nang angatin nga nila ang unang tray, nakila nila ang mga pisang balut at ang maliliit na itik o bibe.

“Kaya noong May 28, napag-isipan namin na lutuin na , pagkakuha ng kapatid ko sa trays ng itlog, may huni po raw ng sisiw, pero di ako naniwala kaya sinabi ko wait lang wag mo munang buksan, ibi-video ko.”

“Unexpected po pero yung mga kapatid ko sinasabi na nila na baka malaki na raw ang sisiw sa balut, hindi na daw dapat ipagbili. Kaya laking gulat ko nung pagbukas na,” aniya.

Hindi naman sila nagalit sa kanilang napagbilhan. Sa halip, inilagay nila sa isang lalagyanan ang mga itik. Nagkaroon pa tuloy sila ng instant alaga!

Sa panibagong FB post ay nagbigay ng updates si Charlene hinggil sa mga itik.

Umabot na sa 10k reactions, 18k shares, at 50 comments ang naturang viral FB post.

—

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

Tags: BalutCharlene PradoduckTagum City
Previous Post

₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!

Next Post

Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA

Next Post
Inflation nitong Abril, bumaba sa 6.6% – PSA

Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.