Nag-post ng kaniyang congratulatory messages sa kaniyang Instagram ang dating EB Babes na si Lian Paz para sa daughters nila ng dating mister na si Kapuso actor/host Paolo Contis, na sina Xonia at Xalene, na nakatanggap ng kanilang academic awards noong Mayo.
Proud na proud si Lian sa naging academic achievement ng kaniyang mga anak, at ang pinasalamatan niya ay ang kasalakuyang karelasyon na si John Cabahug.
“Thank you daddy John Cabahug for the love and support for the girls. I am always thankful. I appreciate everything mahal! Congrats may bago mag high school na tayo na naman π,” aniya.
Sa comment section, bumaha ng komento kung bakit “Contis” pa rin ang nakalagay na apelyido ng mga bata, gayong wala naman daw ambag sa anumang naabot nila ang ama nilang si Paolo Contis.
“Bitbit pa apelyido wala naman ambag ahahaha anyway congrats.. you have long way to go.. Aim high!”
Tugon ni Lian, “Asking na nga po mga bata to have it changed.”

Marami naman sa mga netizen ang tila “imbyerna” na gamit-gamit pa ng mga bata ang apelyidong “Contis.”
“So proud of you Ms. Lian, napalaki mo sila ng maayos at matatalino and to your partner na minahal din sila, bilang tunay na anak. π Congratulations!”
“Dapat di na Contis Ang Dala na surname Ng mga Bata. Di nman need bigyan pa Ng credit Ang iresponsableng ama.”
“Nabwesit ako ng slight don sa contis na. Give na yon hiwalay ka sa mga anak mo pero yon kahit piso wala ka man lang ambag, ay nademonyo ka tlga…”
“Pero bakit dala pa apelyedo ng tatay na walang kwenta napakapswerte Nya Naman hano. Sana apelyedo mo nlng po miss Lian dala nila since Ikaw lang Naman tlga bumuhay sakanila.”
“Congrats sa mga dalagita niyo miss lian..Sana cabahug na ang nakalagay next timeπ.”
Sana raw ay matuloy na ang annulment nila na nabinbin sa korte noong pandemya, matapos itong i-file ni Lian noong 2019.