Naging usap-usapan ang tweet ni Sen. JV Ejercito hinggil sa bagong line-up ng hosts sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” na muling umere nang live ngayong Lunes, Hunyo 5, 2023.
Kagaya ng karamihan sa netizen, nagmungkahi ang senador na lagyan ng “name plates” ang ilan sa bagong hosts na hindi niya tinukoy kung sino o sino-sino.
Naniniwala rin si Sen. JV na mahirap tapatan ang TVJ at iba pang original hosts nitong sina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at iba pa.
“The “new” Eat Bulaga!”
“Parang kailangan nila lagyan ng name plates ang ibang talents.”
“Mahirap ata tapatan TVJ, Alan K, Pao, Jose & Wally, etc…”
“Eat Bulaga is really TVJ,” anang tweet ni Ejercito.
The “new” Eat Bulaga!
Parang kailangan nila lagyan ng name plates ang ibang talents. ✌🏾
Mahirap ata tapatan TVJ, Alan K, Pao, Jose & Wally, etc…
Eat Bulaga is really TVJ. pic.twitter.com/lBRQpYjGx7
— JV Ejercito (@jvejercito) June 5, 2023
Sa kabilang banda, sa isa pang tweet ay sinabi ng senador na hindi ito sapat na dahilan upang i-bash ang bagong hosts dahil trabaho lang naman ito para sa kanila.
“But we shouldn’t bash the talents of the new EB.”
“Hanapbuhay nila as talents,” aniya.
But we shouldn’t bash the talents of the new EB.
Hanapbuhay nila as talents.
— JV Ejercito (@jvejercito) June 5, 2023
In fairness, may “name plates” silang inilagay sa screen sa tuwing lumalabas ang mga bagong host at iba pang talents na parte ng bagong EB.
Ang tanong ngayon ng mga netizen, masustain kaya ng mga bagong hosts ang Eat Bulaga hanggang 2024? O posible kayang madagdagan pa ang hosts nito?
MAKI-BALITA: ‘Eat Bulaga is really TVJ!’ Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates—Sen. JV Ejercito