After ng matagumpay na role bilang Thuy ng singer-actor na si Gerald Santos sa Miss Saigon Denmark, heto’t habang nasa New York, USA naman ay may maganda siyang balita na talaga namang another milestone para sa kanyang singing career.
Masayang ipinahayag ni Gerald sa kaniyang Facebook post ang magandang blessing at opportunity na ibinigay sa kanya, ang pagkakataon na maibahagi niya ang talento ng pag-awit sa pamamagitan ng pagkanta ng pambansang awit ng Amerika.
“I’m so happy to announce that i’ll be singing The Star-Spangled Banner here in this exact venue (Citifield Stadium, New York) on June 29 before the baseball game between the New York Mets and the Milwaukee Brewers! I will be joined by the TOFA Performing Artists! This is gonna be a priceless experience and i’m freaking out already. Thank you @elton_lugay, Tay Vince Gesmundo and Oliver Oliveros for making this possible!”
Dahil sa nakakabilib na credentials ni Gerald bilang theater actor at performer inimbitahan daw siya ni Elton Lugay na founder ng The Outstanding Filipinos in America (TOFA) para umawit ng “The Star-Spangled Banner.”
Bongga ang exposure ni Gerald dito dahil matindi yung event, baseball game sa Amerika na ang makakasama niya sa performance ang TOFA Performing Artists.
Dahil diyan mabibilang na sa listahan si Gerald sa mga Pinoy na umawit ng “The Star-Spangled Banner” gaya nila Lea Salonga, Martin Nievera, Charice Pempengco aka Jake Zyrus, Jay R at iba pa na talaga namang nakakaproud dahil malaking karangalan ito bilang isang Pilipino.
Sa tulong ng manager ni Gerald na si Direk Rommel Ramilo nakuha natin ang ang reaksiyon ng kanyang artist sa pagkakahirang niya sa pagkanta ng pambansang awit ng Amerika.
“Sobrang honored, pero sobra din kinakabahan! First time ko itong kakantahin!”
Nagsisimula na raw aralin ni Gerald ang US National Anthem at minememorize na ang bawat titik nito.
Ayon kay Direk Rommel super proud siya para sa bagong achievement na ito ni Gerald.
“As his manager, super proud syempre! Hindi lahat ng artists ay nabibigyan ng ganung pagkakataon! It’s another opportunity to show the world how good the Filipino talent is! On a personal level, it’s another feather on Gerald’s hat!”
Samantala, habang nasa New York si Gerald ay nagkaroon siya ng pagkakataong makapanood ng preview ng musical na “Here Lies Love” at doon nagkita sila ni Lea Salonga.