Hindi nakaligtas sa mata ng mga netizen ang emoji na ibinahagi ni Pambansang Bae at dating Eat Bulaga host Alden Richards kahapon ng Lunes, Hunyo 5.
Bagama’t walang ibang detalye, impormasyon, o caption sa kaniyang IG story, binigyan ito ng interpretasyon ng mga netizen na maaaring may kinalaman daw sa pag-ere ng bagong Eat Bulaga na may bago ring hosts.
Kung titingnan ang emoji ni Alden, makikitang tila “disappointed” ang male emoji na kaniyang ibinahagi.

Tanong ng mga netizen, may kinalaman daw ba ito sa bagong Eat Bulaga? Matatandaang nagpahayag ng kaniyang loyalty sa TVJ at dating Eat Bulaga si Alden sa pamamagitan ng kaniyang Instagram posts dahil sa noontime show na ito bumongga nang husto ang kaniyang career dahil sa phenomenal love team nila ni Maine Mendoza (Yaya Dub) sa Kalyeserye noong 2015.
Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ni Alden ang black and white photo nila ni Bossing Vic Sotto, kung saan tila seryoso sila at magka-back-to-back.
Isa pa, kaibigan daw ni Alden sina Paolo Contis at Betong Sumaya kaya imposibleng “okrayin” niya ito.
Wala pang kumpirmasyon o pahayag si Alden tungkol dito.