• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Xander Arizala at partner na si Gena Mago, hiwalay na raw dahil kay Makagwapo

Richard de Leon by Richard de Leon
June 5, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Xander Arizala at partner na si Gena Mago, hiwalay na raw dahil kay Makagwapo

Xander Arizala, Gena Mago, at Makagwapo (Screengrab mula sa FB ni Xander Arizala/Gena Mago/Makagwapo)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Malungkot na malungkot ngayon ang social media personality na si Marlou/Xander Arizala matapos niyang ibalitang opisyal na silang hiwalay ng partner na si Gena Mago; at ang itinuturo niyang dahilan ay ang naging alitan nila ni Christian Merck Grey o “Makagwapo.”

Ang puno’t dulo ng isyu ay ang ₱349k na ipinangako raw ni Makagwapo kay Xander para sa binyag ng anak nitong si Baby Xeres.

MAKI-BALITA: Xander Ford nagpasaklolo para mahabol sa ninong ng anak ipinangakong ₱349k

Bagay na itinanggi naman ni Makagwapo at sinabing wala siyang anumang ipinangako kay Xander na sasagutin niya ang binyag ng anak nito; hindi naman niya akalaing seseryosohin ni Xander ang naging biro o “payabang” na hirit nito.

MAKI-BALITA: Makagwapo kay Xander Ford: ‘Hindi ko responsibilidad ang anak mo!’

Humingi pa ng tulong si Xander sa kapwa social media personality na si “AwitGamer” para maibigay na ni Makagwapo ang cash na pinag-uusapan nila.

MAKI-BALITA: Makagwapo binanatan si AwitGamer sa ‘pakikisawsaw’ sa kanila ni Marlou

Dahil nadadamay na raw ang bata sa isyu, ibinigay na ni Makagwapo ang pera kay Xander, at ginawa pa itong ₱350k.

MAKI-BALITA: Ninong serye: Makagwapo, ibibigay na raw ang ₱349k kay Xander Arizala

Ilang araw lamang, ipinakita ni Xander na nagpunta sa kanilang bahay si Makagwapo at iniabot daw ang cash. Aniya, ilalagay raw niya sa bangko ang pera at ang ilan dito ay gagamitin para sa kanilang celebration ng mga kaibigan.

MAKI-BALITA: Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

Ngunit hindi pa rito natapos ang girian ng dalawa dahil ilang araw lamang, sinabi ni Xander na ibabalik niya kay Makagwapo ang pera nito subalit paunti-unti lamang.

At sa latest video nga ni Xander, sinabi niyang umalis ang mag-ina sa kaniyang poder dahil sa isyu nila ni Makagwapo.

“Opisyal na magkahiwalay kami ng asawa ko dahil nga sa nangyaring issue na ‘to,” ani Xander.

“Dahil sa taong ito, dahil kay Merck Grey (Makagwapo), dahil sa mga isyu na ginawa niya sa’kin, dahil sa mga kung ano-anong pinagsasabi niya sa’kin.”

“Masaya ka ba ngayon Christian Merck Grey kasi ganito yung nangyari sa akin? Masaya ka ba dahil nakasira ka ng relasyon? Sobrang depressed ko sa nangyayari sa akin. Dahil dito sa inupload mo… Ibabalik ko naman sayo yung pera, sana dinelete mo na lang yung video…” dagdag pa.

Sa isa pang Facebook post ay tila hindi nagpaawat si Xander na sisihin si Makagwapo sa pinagdaanan nila ni Gena.

“DAHIL SAYO MERCK WALA NA AKO ASAWA AT HINDI (KO NA) MAKASAMA ANG ANAK KO,” aniya sa post.

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Gena hinggil sa umano’y hiwalayan nila ni Xander, bagama’t mababasa sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Hunyo 4, ang isang makahulugang Facebook post.

“KUNG SINO PA YUNG AKALA MO KAKAMPI MO YUN PA PALA YUNG MAY MASASABI SAYO NA MASASAKIT NA SALITA AT MAGPAPAMUKHA SAYO NA AYAN KALANG,” aniya.

Hindi naman tukoy kung may kinalaman ba ito sa problema nila ngayon ni Xander.

Tags: Christian Merck GreyGena MagoMakagwapoXander Arizala
Previous Post

PBBM, itinalaga dating Covid-19 task force adviser bilang bagong DOH chief

Next Post

Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’

Next Post
Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’

Paolo Contis naokray na naman: 'Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento'

Broom Broom Balita

  • ‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan
  • Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’
  • Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’
  • GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters
  • Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling
Auto Draft

‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan

September 27, 2023
Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

September 27, 2023
Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

September 27, 2023
GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

September 27, 2023
Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

September 27, 2023
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

September 27, 2023
Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

September 27, 2023
Auto Draft

Trust, approval rating nina PBBM at VP Sara bumaba – OCTA

September 26, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

PRC, inanunsyo F2F oathtaking para sa bagong psychologists, psychometricians

September 26, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.