• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’

Richard de Leon by Richard de Leon
June 10, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’

Paolo Contis (Larawan mula sa Twitter ng Sparkle GMA Artist Center)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ipakilala ang mga bagong host ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” matapos ang exodus ng TVJ at original Dabarkads hosts nito, katakot-takot na kritisismo ang natanggap nila mula sa mga netizen lalo na ang mga nasanay na’t matagal nang tagasubaybay ng programa.

Isa nga sa mga “tinutusta” at “below the belt” na ang mga natatanggap na banat ay si Kapuso actor Paolo Contis na isa sa mga ipinakilalang bagong hosts, kasama sina Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro, XOXO, at kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Cassie at Mavy Legaspi.

Hindi kasi malilimutan ng mga netizen ang hanggang ngayon ay hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa hiwalayan nila ng dating partner na si Kapuso actress LJ Reyes, na noong Mayo 30, 2023 ay ibinalitang engaged na sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Kahit na umamin na si Paolo na magkasintahan na sila ni Yen Santos, patuloy pa rin itong ipinupukol sa kaniya kapag lumalabas siya sa mga balita.

At sa pagtanggap nga ni Paolo na maging bagong host ng EB sa ilalim ng TAPE, Inc., muling ibinato ng mga netizen ang isyung hindi siya nakakapagsustento sa mga anak sa mga dating karelasyon gaya nina Lian Paz at kay LJ nga. May anak sila ni LJ na si Baby Summer.

Narito ang ilan sa maaanghang na komento ng netizens sa Twitter.

“Namimigay ng papremyo sa noontime show pero sustento sa anak hindi. Hahah! Lol.”

Namimigay ng papremyo sa noontime show pero sustento sa anak hindi. Hahah! Lol pic.twitter.com/FNukpS37Mk

— Ren Corporal ✨ (@RENderred) June 5, 2023

“Tamang paghohost muna… as a friend. Lol.”

Tamang paghohost muna… as a friend. Lol.

— Tep  (@TEPcilog) June 5, 2023

“Imagine… magbibigay ng premyo si Paolo Contis sa #EatBulaga para sa ibang tao pero yung sustento sa mga anak hindi man lang maibigay.”

Imagine… magbibigay ng premyo si Paolo Contis sa #EatBulaga para sa ibang tao pero yung sustento sa mga anak hindi man lang maibigay. 😆😆

— 𝓐𝓡𝓜𝓐𝓝 | 𝕍ℕ𝕃 𝕖𝕣𝕒 (@HeyARMAN_) June 5, 2023

“Si Paolo Contis sa Eat Bulaga namimigay ng papremyo pero pagdating sa anak walang pasustento.” – Anonymous

“Si Paolo Contis sa Eat Bulaga namimigay ng papremyo pero pagdating sa anak walang pasustento.” – Anonymous

— AltGMA🌈 (@KafosoMo) June 5, 2023

Samantala, ipinagtanggol naman ng showbiz columnist at talent manager ni Paolo na si Lolit Solis ang alaga at ang iba pang bagong host ng noontime show.

“Trabaho lang, walang personalan. Dahil kahit kelan hindi papasok sa isip ni Paolo na magiging katapat siya sa programa ng Tito, Vic at Joey. Under siya ng management ng GMA Artists Center at kung anong trabaho ang ibigay sa kanya, tinatanggap niya,” ani Lolit.

MAKI-BALITA: Lolit sa pagiging EB host ni Paolo Contis: ‘Trabaho lang, walang personalan’

Ayon naman sa ulat ng PEP, inasahan na raw ni Paolo ang bashing na matatanggap nila mula sa avid Eat Bulaga viewers.

“Yung bashing expected naman yun. I just hope people can give us and the show a chance.”

“Ang goal lang naman namin is magtrabaho at magpasaya ng tao. Wala kaming gustong apakan na tao,” aniya raw.

Tags: Eat BulagaPaolo Contis
Previous Post

Xander Arizala at partner na si Gena Mago, hiwalay na raw dahil kay Makagwapo

Next Post

‘Eat Bulaga is really TVJ!’ Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates—Sen. JV Ejercito

Next Post
‘Eat Bulaga is really TVJ!’ Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates—Sen. JV Ejercito

'Eat Bulaga is really TVJ!' Ilang bagong hosts, kailangan ng name plates---Sen. JV Ejercito

Broom Broom Balita

  • Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima
  • Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’
  • Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?
  • ‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan
  • Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’
Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

September 27, 2023
Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

September 27, 2023
Auto Draft

‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan

September 27, 2023
Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

September 27, 2023
Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

September 27, 2023
GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

September 27, 2023
Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

September 27, 2023
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

September 27, 2023
Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

Chie Filomeno, TOTGA ni Jake Cuenca

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.